12,219 guests

Jolina, may dahilan kung bakit ’di nadadalaw ang magulang

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 531
Jolina Magdangal Jolina Magdangal

WALA na marahil na hihigit pa sa birthday celebration na inihanda ng “Magandang Buhay” kay Jolina Magdangal nitong Biyernes. Ito ang pinakasimple, pero, pinakamasaya at pinakamakahulugang naganap sa show na hindi inakalang magtatagal sa ere, pero, humahataw at tumi-trending mula Lunes hanggang Biyernes sa TV.

Patuloy rin ang hindi inaasahang pagbaha ng luha sa show (dahil sa matinding kaligayahan) hindi lamang ng mga host na sina Karla Estrada, Melai Francisco, kundi ng studio guests at gayundin ng mga televiewer.

Natumbok ng mga nasa likod ng show ang tamang formula para patuloy na panoorin ang isang show na hindi puwedeng palampasin.

Ngayon lamang kumpleto sa show ang mga mahal sa buhay ng celebrator tulad ng mga magulang ng mister niyang si Mark Escueta, gayundin ng mga magulang ni Jolina.

Ramdam na ramdam ang pagmamahal ng mga ito kay Jolina. At walang makakatalo sa regalo ni Mark sa kanyang misis nang ipakilala niya ang pinakabatang miyembro ng Rivermaya na si Pele, two years old na anak nila complete with his little drums na kasamang tumugtog with the other members of the band kung saan lead guitarist/ drummer si Mark.
   
“Ang  iyong ‘KNP,” pakilala ni Mark kay Pele. ‘Kapatid ni Jolina’ pala ang ibig sabihin noon.
   
“Alam na natin kung ano ang magiging kinabukasan ni Pele paglaki niya,” hindi makatiis na pahayag ni Karla, habang nagpupunas ng luha.
   
Hindi mabitaw-bitawan ni Jolina sa yakap si Pele, at kay Mark na siyang may pakana sa participation ng anak nila ni Jolina.
   
Kung ang ibang artista ay ipinagsisigawan ang pagkakaroon nila ng pangarap na bahay, ang mga magulang naman nina Mark at Jolina ang naghayag na malapit nang matapos ang pangarap na sariling bahay nila ni Mark.
   
“Iyon po ang dahilan kung bakit hindi kami madalas na nakakapasyal sa parents ko sa Tagaytay,” katwiran ni Jolina. “Pero, malapit na pong matapos.”
   
Ang dahilan ng kanilang masayang buhay ay ang pagmamahal nila sa kanilang anak na si Pele. “We make it a point na kasama namin lagi si Pele ano man ang  ginagawa o saan man ang location ng trabaho namin.
   
“Kapag may gig si Mark sa Rivermaya ( probinsya o malayu-layong lugar) he makes it a point na ihatid sa akin si Pele. Ako at yaya niya ang nag-aalaga kay Pele. Ang babait ng mga kasama ko sa trabaho dahil, nakikitulong sila sa pag-aalaga kay Pele. I’m blessed with a child na napakabait at nakakatuwang alagaan.
   
“Kapag wala namang gig si Mark, siya mismo ang nag-aasikaso sa mga needs ni Pele. Tinutulungan naman siya ng mga biyenan ko. Ang babait din po nila,” sabi ni Jolina.”

BAGONG HOUSEMATE SA PBB, TAWAG-PANSIN AGAD

NAKATAWAG-pansin agad ang bagong housemate ni Kuya sa PBB na si Jerome Alecre, 32 years old at mula Tondo, subalit naging nurse sa San Francisco, California sa tulong ng Charity First, isang foundation na tumutulong sa mahihirap.
   
“Sa U.S po ako nag-audition para sa sa Pinoy Big Brother. Sinubukan ko lang po. Hindi ko inaasahang mapipili ako sa libong nag-apply. I even felt na magiging hadlang ang pagiging nasa ibang bansa ko, pero, naging malaking advantage po ito,” pahayag niya.
   
Nang ipalabas sa TV ang tinutukoy ni Jerome na foundation na siyang nagpa-aral sa kanya,  nagpaliwanag siya. “Bukod sa pangarap kong mapasali sa PBB na lagi kong sinusubaybayan magmula nung  bata pa ako, gusto ko ring makatulong sa ibang mahirap na batang katulad ko.”
   
Ang tinutukoy ni housemate Jerome ay si Yong Muhajil, 17 years old at halos hindi makapag-aral dahil sa hirap. Naka-kuwentuhan niya sa Bahay ni Kuya si Yong at naantig ang kanyang damdamin para matulungan ang kanyang pamilya (mom at labing-anim (yes, 16) pa niyang kapatid).
   
Nagkaroon kasi si Yong ng malulungkot na karanasan ng pambu-bully dahil kulang ang kaalaman niya sa pag-i-express ng sarili at walang itutustos ang mga magulang sa kanyang pag-aaral. Dahilan ito para mag-audition siya at makipagsapalaran sa PBB.
   
Nakita agad ni Jerome ang sarili kay Yong, kaya napaluha siya.
   
Hindi man palarin si Yong na makasama ni Edward sa Big 3 ni Kuya, marami pa ring tulong ang darating kay Yong dahil sa pagpapaka-totoo niya sa Bahay ni Kuya. Posible kasing  sina Kisses at MayMay ang makasama ni Edward sa Magic 3 ni Kuya sa Linggong ito.

CARMINA SA JADINE FANS: TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN

HINDI na biro ang galit kay Carmina Villarroel ng fans sa pinaggagawa niya kina James Reid at Nadine Lustre sa teleserye nilang “Till I Met You.”
   
Sabi ni Carmina, naiintindihan niya ang feelings nila. “Ako man ay nasosobrahan na sa ugali ko na grabe ang kabobohan at kawalan ng pang-unawa sa damdamin ng anak at manugang ko. Nagrereklamo na ako sa scriptwriter, pero, mas nakakatulong daw ito para maka-achieve kami ng magandang ratings, at may expense. Trabaho lang naman daw ito at walang personalan, pasensya na kayo.”