8,286 guests

Bea says a romance with Derrick possible

  • Written by Mario Bautista
  • Published in Showbiz
  • Read: 413

BEA Binene celebrated her 19th birthday last Friday quietly, only with family and close friends. Her best gift is having a new show and she is happy to be reunited with Derrick Monasterio in their latest GMA7 sitcom, “Tsuperhero”. “Okay katrabaho si Derrick and they say maganda ang chemistry namin,” she says. “This is our second sitcom after “Vampire ang Daddy Ko’ at reunion din namin after our last afternoon drama, ‘Hanggang Makita Kang Muli’.”

Derrick says he wooed her when they did “Tween Hearts” but she didn’t take him seriously. “Well, yes, kasi I found hindi lang naman akong nililigawan niya. But we became good friends since then. I can say magka-vibes na kami at kilalang-kilala ko na siya. Alam ko kung kailan siya serious at kung kailan siya nagbibiro lang. Ngayon, sinasabi niyang he thinks of me as more than a friend at may posibilidad na maging kami and that’s flattering. Pero ayokong isiping part lang 'yun ng promo ng ‘Tsuperhero’.  Honestly, at this point, ayoko munang pasukin ang pakikipagrelasyon. Trabaho na lang muna. It’s much better kung friends na lang kami na walang expectations sa isa’t isa at hindi kami magiging conscious sa sasabihin ng ibang tao.”
    
Is it because she hasn’t moved on since she broke up with Jake Vargas? “Ay, walang connection 'yun sa sitwasyon namin ni Derrick. Kahit sabihin pang hindi naging maganda ang ending namin ni Jake, it’s not enough reason para maging bitter ako sa mga lalaki. I never became a man-hater kasi alam ko namang hindi pare-pareho ang ugali ng mga lalaki.         It’s not fair na dahil sa isang tao lang, lalahatin mo na sila. I was able to move on after what happened to me and Jake, I became whole again and became a much better person. At kami ni Jake, okay na rin kami. Huli kaming nagkita noong ‘Oh Boy’ concert nila ni Derrick sa Music Museum at civil naman kami sa isa’t isa. Nagbatian naman kami. But as of now, career na lang muna ang focus ko. Gusto kong mag-rate muna nang mataas itong ‘Tsuperhero’ namin ni Derrick at nang di masira ang pagtitiwala ng GMA sa tambalan namin. Maganda ang role ko rito as a barker sa sakayan ng jeep at bus in Pandacan. Nag-immersion kami pareho ni Derrick diyan to make sure we’ll be believabl
e in our roles and I think, credible naman ang kinalabasan ng efforts namin sa screen.”
    
“TsuperHero” will start airing this Sunday on GMA7 replacing “Ismol Family”.

MARK HAPPY ABOUT SHOW'S EXTENSION

MARK Herras is so happy that their afternoon drama, “Sa Piling ni Nanay”, is extended until next year. “Ang saya nga, tuluy-tuloy lang ang trabaho hanggang Pasko at Bagong Taon 2017,” he grins. “Salamat kay Lord at sa lahat ng loyal viewers na patuloy sumusubaybay sa aming show tuwing hapon. Mas tututok sila sa show ngayong an injustice has been done to a lead character dahil nagawa ni Katrina Halili as Scarlet na maipabilanggo si Yasmien Kurdi as Ysabel kahit wala itong kasalanan sa pagkamatay ni Nova Villa as Matilda. Ang totoo, si Katrina ang pumatay kay Nova pero nagawa niyang baligtarin ang katotohanan.”
    
Yasmien says she was given the chance to escape but she chose to defend herself in court. “May private plane si Gabby Eigenmann as Benedict na ready akong itakas para dalhin ako sa ibang bansa, pero ako mismo ang nagsabing I will stay,” she adds. “Yun na nga, nahatulan akong mabilanggo and Ysabel is now behind bars. Iyak nang iyak si Jillian Ward as Katherine dahil sa nangyari sa akin. Tuwang-tuwa naman si Katrina na mabubulok ako sa loob ng kulungan.”
    
Is this a case of evil triumphing over good? When will the truth about Katrina’s dark schemes and machinations be uncovered? You have to watch “Sa Piling ni Nanay” every afternoon to find out.

GETTING TO KNOW NAR

NAR Cabico is the bet of most viewers to win in GMA's hit Saturday show, “Superstar Duets”, as he is always a top scorer and even won immunity from being booted out. Not much is known about Nar other than he appeared as Lovi Poe’s gay taong graza friend in “Beautiful

Strangers”. He was born in Dumaguete 26 years ago on September 16 but grew up in Zamboanga.
    
“Soldier ang tatay ko at mahirap lang po kami, palipat-lipat siya ng destino,” he says. “Dahil mahilig akong umarte and I can sing, nag-apply ako sa National School for the Arts sa Mount Makiling as a scholar at theatre major ako roon. Then lumipat ako sa St. Benilde taking up arts management also on a scholarship. At 15, nag-apply ako sa PETA at nakuha akong stagehand, nagwawalis ng confetti sa stage sa ‘Zsa Zsa Zaturnaaah’ na bida si Tiyang Eula Valdes. Naging good friends kami. Tapos, ako na ang gumanap na Didi in the said musical.”
    
After that, he tried the movies. “Nakuha akong mag-movie as the transgender maid nina Mart Escudero sa ‘Zombadings’, in the indie film ‘Rekrut’ and as a witness sa ‘Paglilitis kay Bonifacio’ ni late Direk Mario O’hara. Nagtrabaho rin akong lounge singer sa Jakarta,  Malaysia and Korea for two years. Pagbalik ko rito, I did theatre at nakasama ako sa ‘Kung Paano Ako Naging Leading Lady’ ni Direk Chris Martinez.”
    
Now that he’s on TV, doesn’t he miss doing theatre? “I do. I miss the training, the camaraderie, the feeling of performing for a live audience. Kaya lang, I have to focus on TV now.”
    
He’s often the host of GMA7 press conferences for new shows. What can he say about predictions that he’d win in “Superstar Duets”? “Sana nga, magdilang anghel sila. But enjoy talaga ako sa ‘Superstar Duets’ dahil puro okay ang mga kasama ko, like Jerald Napoles, Divine Aucina, Rita Daniela at si Joross Gamboa na masaya talaga at dati, hindi seryoso pero ngayon gusto na niyang manalo.
    
At si Jennylyn Mercado as our host, sobrang bait niya, kahit pagod na at may pinagdaraanan kasi nga may sakit ang mother niya and eventually passed. Hindi mo mahahalatang mabigat ang pinagdaraanan niya kasi she’s so composed, so relaxed. Sabi, isasama raw ako sa next soap niya, ‘My Love from the Star’, as her sidekick. Sana nga, magkatotoo.”