5,413 guests

Angelica, tinawag na baliw si Marian!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 765

... aktres, nagsalita na tungkol kay Baste Duterte

Ang ganda ng arrangement ni Dingdong Dantes with Star Cinema na tuwing may gagawin siyang pelikula sa film arm ng ABS-CBN, imbitado sa presscon ang GMA-7 reporters to cover the event. 

In return, pinapayagan ang aktor ng GMA-7 na mag-guest sa shows ng ABS-CBN at nauna na siyang nag-guest sa TV Patrol  to promote The Unmarried Wife, na showing sa November 16.
   
For sure, masusundan pa ang paggi-guest ni Dingdong sa ibang shows ng ABS-CBN, gaya ng Tonight with Boy Abunda.
   
Anyway, pinuri ng press ang intelligent answers ni Dingdong sa mga tanong sa kanya sa presscon at ang pag-amin na wala pa siya sa posisyon to answer questions on family life dahil bago pa lang ang pamilya nila ni Marian Rivera.
   
Isa sa eksenang hindi makakalimutan ni Dingdong sa The Unmarried Wife ay ’yung sinampal siya ni Angelica Panganiban.
   
“Malinaw ang hugot ng karakter niya sa lakas ng impact ng sampal. Minsan lang na hindi ako nakarinig (nabingi). Sakto lang, pinaka-passionate siyang manampal,” sagot ni Dingdong.
   
Bilang si Geoff sa The Unmarried Wife, ipagpapalit niya si Anne (Angelica) sa ibang babae. Ibang-iba ito sa karakter ni Pepe sa Alyas Robin Hood ng GMA-7, pero parehong challenging kay Dingdong ang dalawang karakter.

* * *

Birthday ni Angelica Panganiban kahapon, kaya isa sa tanong sa kanya sa presscon ng The Unmarried Wife ay kung paano niya isi-celebrate ang kanyang 30th birthday.
   
Walang naisagot ang aktres at wala rin daw siyang balak na big party.
   
“Wala pang plano, pero wala akong shooting. Kung magpapa-party ako, gusto ko sleeping party na walang gagawin ang mga bisita kundi matulog. Ang hirap lang dahil walang may gusto. Si John Prats lang yata ang may gusto sa sleeping party,” sagot ni Angelica.
   
May party man o wala, masaya ang buhay ng aktres ngayon hindi lang dahil may movie siyang malapit nang mag-showing kundi dahil kahit walang lovelife, may mga nag-aabang daw, pero parang wala siyang matipuhan.
   
Pinayuhan siya ni Paulo Avelino na lumabas paminsan-minsan para ma-expose ang beauty niya. Ang routine kasi ni Angelica ay bahay at trabaho lang, tingnan natin kung susundin niya si Paulo.
   
May two shooting days pang kukunan si Director Maryo J. delos Reyes, hindi lang niya masagot kung ang love scene nina Angelica at Dingdong ang kanyang kukunan.
   
Sa two shooting days na natitira kaya tuparin ni Marian ang ipinangako kay Angelica na dadalaw siya sa set na may dalang food request ni Angelica?
   
“Sabi niya, sa first day shooting dadalaw siya at magluluto, hindi pa nangyari. Baliw ’yun (si Marian), pareho kami, kaya gusto ko siya. I love her!” sabi ni Angelica.
   
Samantala, mabilis na binasag ni Angelica ang isyu sa kanila ni presidential son Baste Duterte at hindi rin niya alam kung bakit sila nali-link.
   
Nakapunta na raw siya sa Davao, pero hindi pa niya nami-meet si Baste.

* * *

Ang ganda ng pinost ni director Jun Lana sa social media tungkol sa audience award na nakuha ng Die Beautiful sa Tokyo International Award at sa best actor na napanalunan ni Paolo Ballesteros for the same movie.
   
“I first thought of the story of Die Beautiful in 2014 and back then I thought it was an important story to tell but how can I find an audience for it?
   
“It never crossed my mind that 2 years later, Die Beautiful would be welcomed at the Tokyo International Film Festival and received so warmly that it would win not only the best actor award for Paolo but also the audience award.
   
“Some people probably found it amusing that Pao and I cried at our screenings, but you could not imagine how emotional we were, especially after hearing all the feedback and feeling the appreciation of the Japanese people.
   
“I hope that this is just the beginning and that more audiences (especially in the Philippines) will know the story of Trisha. May we all live a life as beautiful as hers.”
   
Tama ba kaming ang Regal Films ang magri-release ng Die Beautiful? Ipapasok daw ito sa Metro Manila Film Festival.
   
Sana mapili.

* * *

Nag-audition si Janine Gutierrez sa role ni Alena sa Encantadia, hindi siya pinalad na mapili at napunta kay Gabbi Garcia ang nasabing role.
   
Kahit si Janine, siguradong nagulat nang malamang kasama na siya sa cast ng fantaserye bilang si Agua, ang kambal diwa ni Alena.
   
Lumabas na ang karakter ni Janine sa Encantadia at positive ang feedback ng viewers, kahit ’yung hindi niya fans.
   
Bagay daw sa kanya ang role dahil maganda siya at parang diwata kung kumilos at magsalita.
   
Gagawin din ni Janine ang Relationship Goals ng Usapang Real Love airing on third week of November with Aljur Abrenica.
   
Nasa cast din siya ng Pastor, pinagbibidahan ni Phillip Salvador sa direction ni Adolf Alix Jr. at intended for the MMFF.
   
Busy si Janine, walang time magmukmok dahil sa breakup nila ni Elmo Magalona.