8,283 guests

Dedma!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 0

Pagtataray ni Jaclyn, balewala kay Jake

... Ellie, nakaharap na sina Erap at Laarni

Kris, nagpasalamat kina Digong at Erap

Hindi napigilan ni Jaclyn Jose ang sumagot sa post ni Jake Ejercito sa Instagram account last Sunday kung saan ay makikita itong kasama ang anak na si Ellie sa picture wearing a prince and princess costume para sa Halloween.

Ang ganda ng larawan ng mag-ama na nilagyan ni Jake ng caption na: “I’ll slay all your dragons for you, my princess.”
   
Umani ng katakut-takot na likes at komento ang nasabing larawan. Sa gitna ng mga komentong ito, makikita ang comment ni Jaclyn.
   
Unang komento ni Jaclyn, “Wow, 88k saya ba?” na marahil, ang “likes” ang tinutukoy.
   
Sumunod na comment ni Jaclyn: “She will always be a princess before you and will always be. I slayed all the dragons before you. You could have slayed the dragons before this. But you chose not to. You can't all of a sudden slay. You do not have the tool.”
   
Hindi sumagot si Jake sa comment na ito ni Jaclyn pero nag-like siya sa comment ng isang netizen na  “YOU don't have to attend to every argument you’re invited to. Silence isn’t empty, it is full of answers.”
   
Sari-saring reaksyon naman ang netizens sa comment ni Jaclyn.
   
May pumupuri at mayroon namang hindi pabor, may nagtatanggol kay Jake at may nagtatanggol naman sa lola ni Ellie.
   
Ewan kung bilang sagot, nag-post na naman si Jake kagabi ng picture ni Ellie kasama ang mga magulang niyang sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez.
   
Sa caption ay inilagay niyang, “Last night was a good night.”

* * *

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Kris Aquino kay Pres. Rodrigo Duterte at kay Mayor Erap sa pagpapadala ng flowers sa kanyang namayapang magulang na sina former Sen. Ninoy Aquino at former Pres. Cory Aquino.
   
Sa unang post ni Kris, aniya, “I got dehydrated from my all-day outdoor shoot, forced myself to work Friday then had low grade fever from Friday night til this morning.
   
“My sisters sent this picture to me. Maraming salamat po Pangulong Duterte for the heartwarming gesture of sending our dad & mom flowers.”
   
Maya-maya ay nag-post ulit siya and this time, kasama na sa larawan ang flowers na ipinadala ni Mayor Erap.
   
Sa caption, she wrote: “Maraming salamat po Pangulong Duterte & Mayor Erap. #Undas2016.”

* * *

Medyo worried ang fans at avid viewers ng Be My Lady dahil baka raw tatapusin na ang serye dahil sa nalalapit na kasal ng mga lead character na sina Phil (Daniel Matsunaga) at Pinang (Erich Gonzalez).
   
Matatandaang dahil sa mataas na ratings ay ilang beses nang nabigyan ng extension ang BML.
   
Kaya ang shoutout nila ngayon, huwag munang tapusin ang serye at bigyan ulit ng extension.
   
Well, wala pa naman sa kasalan ang kwento at nasa proposal pa lang ni Phil kay Pinang kaya marami pang pwedeng mangyari.
   
Wala pa rin naman sinasabi ang management na tatapusin na ang serye kaya dapat, wait na lang ang  fans ng announcement.