7,326 guests

Hindi lahat ng ’Kano, ‘kontra’ sa ‘drug war’

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 185

BAGO ang lahat, muli nating pinasasalamatan ang buong kasapian ng National Press Club (NPC) at ang ating mga naging espesyal na bisita sa matagumpay na pagdaraos ng ika-64 na anibersaryo ng NPC noong Biyernes.

At ‘first in line,’ wika nga, sa ating listahan ay si Manila Mayor Joseph Estrada na siya ring naging ‘main guest speaker’ at ‘inducting officer’ ng mga opisyales ng NPC sa pangunguna ng inyong lingkod.
   
Isunod natin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Kris Ablan na siya namang kumatawan kay Press Secretary, Martin Andanar. Si Assec. Ablan, mga kapatid, ang isa sa mga “utak” ng paglalabas ni Pang. Rody Duterte ng ‘Freedom of Information’ (FOI) Law’ at sa bagong tatag na ‘Presidential Task Force on Media Security,’ kaya… mabuhay ka, Assec. Ablan at siyempre, ang iyong ‘immediate boss’ na si Sec. Martin.
   
Pinasasalamatan din natin sina NCRPO director, Oscar Albayalde, QCPD director Guillermo Eleazar at si MPD director, Joel ‘Jigs’ Coronel, na bagaman mga “punong abala” para sa seguridad nating lahat dito sa Metro Manila ngayong “Undas” ay naglaan ng kanilang panahon sa ating okasyon.
   
At talagang patungo na ang bansa sa hinahanap nating kapayapaan, mga kabayan, dahil “mahigpit” din ang naging “kamayan” nina RD Albayalde at nina NDFP peace panel members, Tirso ‘Ka Bart’ Alcantara at Alan Jasminez na nagpaunlak din sa ating imbitasyon na makadalo.
   
Salamat din kay “kapatid” na Carmelita ‘Twinkle’ Valdez, na dumalo para naman kay PAGCOR chair, Andrea ‘Didi’ Domingo.
   
Sa mga panauhin natin na hindi nakadalo, “ayos” lang po ’yan, mga bosing. Nauunawaan po namin.
   
‘Last but not the least,’ wika nga, ay ang pamilya ni NPC past president, Teodoro ‘Ka Doroy’ Valencia, sina Atty. Dennis Valencia Eala at, David Ricardo Valencia Ferro, na sumaksi sa paglalagay natin kay Ka Doroy sa ‘NPC Journalism Hall of Fame’ dahil sa mga nagawa at naitulong ni Ka Doroy sa NPC sa partikular, at sa propesyon ng pamamahayag sa Pilipinas sa kabuuan.
   
Sa inyo pong lahat at sa ating mga panauhin at mga pinarangalan, maraming salamat po!
   
Salamat din sa pagkilala at pagsuporta sa mga reporma na patuloy na ginagawa ng NPC sa nakaraang apat na taon upang muling ibalik ang dangal at respeto ng lahat sa pinaka-antigong samahan ng mga lehitimong mamamahayag sa buong bansa!

* * *  

Bukod sa “pagpapakilala” kay ‘Boss Erap’ noong Biyernes, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang makapagsalita pa ulit.
   
Kaya bilang tugon sa naging komento ni RD Oscar na walang ‘witness’ na pulis sa ginawang drug test ng NPC noong Miyerkules, Oktubre 26, upang higit itong maging ‘credible,’ ’yung kasing inimbita kong ‘witness’ (para na rin mapag-usapan kung paano pa mapatibay ang relasyon ng media at PNP), nasa China pala, tama ba, PNP PCRG chief, Gilbert Cruz, hehehe!
   
At any rate, ang kinuhang ‘partner’ ng NPC sa proyektong ito ay ang ‘JKart Diagnostic Center’ na ang may-ari ay ang pamilya ni ex-PNP crime lab director, Col. Theresa Ann Cid (retired), upang tiyakin nga na may kredibilidad ang drug test ng NPC.
   
At umasa ka, Gen. Albayalde, na sa mga susunod na drug test ng lahat ng kasapian ng NPC, “imposible” na walang ‘witness’ na pulis dahil gagawin ito sa mga press corps na ang mga ‘press office’ ay nasa mga istasyon ng PNP, mismo.

* * *   

Hindi naman pala lahat ng mga Amerikano, mga kabayan, ay “kontra” sa ‘anti-drug war’ ni Pang. Digong.
   
Nalaman kasi natin na sa imbitasyon ni Manila Mayor Erap, dumating si ‘retired LAPD (Los Angeles Police Department) Scott Gilliam’ at Jeffrey Smitt upang “tulungan” ang MPD at ang kanyang administrasyon laban sa salot na iligal na droga.