8,445 guests

Enchong, solid ang kabuhayan!

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 316

KUNG hindi pala nada-dalaw ni Rap Fernandez ang kanyang Kuya Mark Anthony Fernandez na kasalukuyang nakapiit sa isang bilangguan sa Pampanga dahil sa alleged pagkahuli ng mga police Pampanga na may dala itong isang kilong marijuana sa kanyang kotse, October 3, mga around 8:30 p.m., pinadadalhan niya naman ito ng pagkain.

Understanding and compassion ang hinihiling ni Rap for his elder brother.

Iisa ang ama nina Mark at Rap, the late action star Rudy Fernandez.

Si Alma Moreno ang ina ni Mark; si Rap naman si Lorna Tolerntino.

Isa si Rap sa stars ng Cinema Originals Filmfest entry, Every Room Is A Planet. Direction: Malay Javier.

In time, pangarap din ni Rap na mag-turn movie and film director. Balak niya raw kumuha ng kursong ito sa isang university abroad.

* * *

Hindi man pala mag-artista si Enchong Dee, solid na solid na ang kanyang kabuhayan.
   
Bukod sa kanyang paupahang building sa Cubao, may restaurant din siya sa isang mall sa Cubao din. Which is doing brisk business, he said.
   
Right now, engaged siya sa pagbi-build and sell naman ng mga units sa isang condo building na kasalukuyang ipinatatayo niya. Sa Quezon City din ito and near ABS-CBN.
   
Where his showbiz career is concerned, ’di rin padedehado si Enchong, as he is in the cast of the possible Metro Manila Filmfest (MMFF) entry ng Regal Entertainment, Mano Po 7: Chinoy, co-starring him with Richard Yap, Jean Garcia, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Mario Mortel and child actress Jana Agoncillo.
   
He was ventured into recording, too, and his first album is out in the market now.

Boy at Bong, walang balak magpakasal

Thirty three years na pala ang relasyon ng mag-partner na sina Boy Abunda, popularly known as King of Talk, and Bong Quintana.
   
Pero ayon kay Bong, wala silang balak magpakasal sa abroad, tulad halimbawa nina former TV executive-turned movie producer Perci Intalan and Director Jun Lana, at Liza Diño and Aiza Seguerra, na parehong kasalukuyang may posisyon sa gobyerno ni President Digong Duterte.
   
Magpapakasal lang daw sila ni Bong, ayon kay Boy, kapag na-legalize na dito sa Pilipinas ang same sex marriage.
   
Boy turned a year older last October 29.