5,937 guests

Nahahati

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 544

Showbiz drug watch list, nasa Malacañang na!

... bilang ng mga artistang dawit, bumaba

Pakikipaghiwalay kay Rocky, inamin ni Eula

Nasa Malacañang na pala ang listahan ng celebrities na diumano’y nasa drug list. 

Sabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa, idadagdag ’yun sa hawak na listahan ni President Rody Duterte. 

Ayon pa sa PNP Chief, 30 celebrities ang nasa listahan, bumaba ito sa dating na-report na 50 celebrities.
   
Hintayin na lang daw kung ia-announce ni Pres. Duterte ang pangalan ng celebrities na nasa listahan.        
   
Nauna nang binanggit ng PNP Chief na walang special treatment sa mga celebrity na huhuliin.
   
“Modified tokhang” pa nga ang gagawin nila at makikipag-dialogue sila sa mga artista through their respective networks.
 
Nahahati ang showbiz kung papangalanan o hindi ang mga artistang nasa drug watch list.
   
Mayroong ayaw at mayroon ding pabor, pero si Pres. Duterte pa rin ang masusunod, kaya maghintay na lang tayo.

* * *

Hindi lang si Snooky Serna ang umiyak nang mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Marina Benipayo, kasama niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hahamakin ang Lahat at partner ngayon ng ex-husband niyang si Ricardo Cepeda.
   
Nakiiyak din sa aktres sina Ariel Rivera at Eula Valdez at nakunan sila ng picture na nagpapahid ng luha.
   
Nabanggit ni Snooky sa presscon na she was warned by the production not to talk about the issue nila ni Marina at Ricardo.
   
Bago ang presscon, nagtanong siya kay Eula kung ano ang isasagot kapag tinanong siya ng press. Hindi nga nagpapigil ang press at tinanong sina Snooky at Marina how it is working together?
   
“I want to say truthfully that I am happy working with Marina, a lady who is very professional. We are very civil with each other. She is a good woman and I wish her all the happiness. Thank you, Marina, for taking care of my children,” sabi ni Snooky.
   
Sumagot si Marina ng, “Sinabi na nila sa akin kung sino ang cast. Trabaho ito and no problem with me. It does’nt even register na ex siya ni Ricardo. Okay kami. I treat her as Snooky and she treats me as Marina and we’re here to work. Thank you rin, mababait din naman ang mga anak mo.”
   
Dagdag pa ni Snooky, pareho na silang nakapag-move-on ni Ricardo at inaming may boyfriend na rin siya na ang alam namin, Villarama ang apelyido at taga-Bulacan.
   
Masaya si Snooky at masaya rin siya for her kids  at isa sa mga rason ay ang pagiging mabait na stepmother ni Marina.
   
Nalaman namin kay Eula na magkasama silang tatlo nina Snooky at Marina ng tent sa taping. Siya ang na-tense noong una at baka nga naman may tarayan at awayan na mangyari.
   
Walang ganu’ng nangyari at marami pang araw na magkakuwentuhan sina Snooky at Marina.
   
May mga eksena ang dalawa na magkasama dahil role ng kasambahay nina Eula at Marina ang ginagampanan ni Snooky sa Hahamakin ang Lahat, na magpa-pilot na sa Monday, pagkatapos ng Oh, My Mama!, sa direction ni Don Michael Perez.

* * *

Sa presscon pa rin ng Hahamakin ang Lahat, inamin ni Eula na fan siya ni Snooky at favorite movie niya  ang Underage.
   
Big deal sa kanya na makasama ang aktres sa teleserye at pagmamalupitan pa niya.
   
Kuwento ni Eula, sa umpisa lang ng story sila friends ni Snooky at sa mga susunod na episode, lagi na silang mag-aaway.
   
“I feel blessed and thankful at masuwerte ako na makasama ang favorite actress ko. Kinukuwento ko sa kanya na inaarte ko ang mga eksena niya sa Underage. Sino ang mag-aakalang makakasama ko siya rito sa Hahamakin ang Lahat? Nakahabol ako sa kanya at gusto ko i-broadcast na fan niya ako,” wika ni Eula.
   
Samantala, inamin ni Eula na nag-break sila ng BF niyang si Rocky Salumbides ng one month, umalis ito sa bahay nila at naayos lang ang lahat nang magpakita na siya rito.
   
Hindi na idinetalye ni Eula ang nangyari, pero nagkabalikan na sila at nakakatuwang kabilang ang dalawang anak niyang lalaki sa kanyang tinanong kung tuluyan niyang tatalikuran si Rocky o hindi?
   
“Ang tanong lang sa akin ni Miguel ay kung mahal ko pa si Rocky at kung kaya kong iitsa-puwera ang eight-year relationship namin. Naisip ko, sobrang bait ni Rocky at bakit ko nga naman sasayangin ang pinagsamahan namin?
   
“Proud akong sasabihin na first time kong ipinaglaban ang pag-ibig. Buong buhay ko, ngayon ko lang ito ginawa. Na-realize ko kasi na mahal ko ang mawawala sa akin, kaya ipinaglaban at pinandigan ko ang relasyon namin at masaya ako,” sabi ni Eula.

* * *

Ayaw pang kumpirmahin sa amin ang nabalitaan naming extended hanggang 2017 ang Encantadia.   Nabanggit ng isang cast member ng fantaserye na hanggang January 2017 pa ang taping nila, malinaw na hindi pa magtatapos sa December ang fantaserye.
   
May tsika ring marami pang karakter ang papasok sa Encantadia, kaya mahaba pa ang itatakbo nito.
   
Kung tama ang dinig namin, baka ang fantaserye ang itapat ng GMA-7 sa bagong fantaserye ng ABS-CBN na Alamat na malapit na raw ang airing.
   
Maganda ang magiging labanan sa primetime kung ganu’n, fantaserye laban sa fantaserye.