5,786 guests

Libreng sine sa senior citizens sa General Trias, Noveleta

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 311

GENERAL Trias City, Cavite -- Ipinahayag ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer na libre na sa panonood ng sine ang lahat ng senior citizens ng lokalidad sa kanyang pag-anunsyo kamakailan sa ginanap na Elderly Week celebration na dinaluhan ng mahigit 2,000 officials at members ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa General Trias Convention Center sa Bgy. Sampalukan.

Ang lahat ng elderlies ng naturang lungsod ay maaari nang manood ng sine sa Robinson's Gen. Trias tuwing Lunes bilang bahagi ng mga benepisyo ng mga matatandang mamamayan dito.
   
Inilahad din ni Ferrer na makakatanggap na ng insentibo ang mga senior citizen na aabot sa edad 80 ng halagang P5,000 at P10,000 naman para sa aabot ng edad 90.
   
Bukod dito, ang pa-munuan ng naturang lungsod ay nakapagbigay na ng insentibo sa pitong sentenaryan sa ilalim ng komite ni Konsehal Jowie Carampot na chairman ng senior citizens affairs, na may akda din ng ‘Libreng Sine sa Senior Citizens’ na naipasa na sa konseho kamakailan lang.
   
Ganu’n din sa kapit-bayan ng Noveleta, inilunsad din ni Mayor Dino Reyes ang libreng sine sa senior citizens kamakailan sa SM Rosario, na nasa kalapit-bayan ng Rosario.
   
Kagaya ng sa GenTri, ang mga senior ay lib-reng manood ng palabas tuwing Lunes sa nabanggit na sinehan.
   
Sa buong lalawigan ng Cavite, ang mga naunang mga lungsod na may mga ganitong pribilehiyo ay ang Bacoor City sa SM Bacoor, Imus City sa Robinson's Place Imus at Dasmariñas City sa SM Dasma.
   
Tanging ang bayan ng Noveleta lamang ang kauna-unahang bayan sa naturang probinsya ang nagbigay ng ganitong programang pang-senior citizens.