5,411 guests

Nahilaw

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 777

Kris, enjoy sa ‘date’ nila ni Angel

Kung kailan pa wala sa ABS-CBN si Kris Aquino, mas lalo naman silang naging close ni Angel Locsin at kahit nahilaw ang pagnininang dapat ni Kris sa kasal nina Angel at Luis, friends pa rin sila ni Angel.

Nang manood si Kris ng The Third Party sa Rockwell Plant, si Angel ang kanyang kasama at kitang nag-enjoy si Kris sa “date” nila ni Angel. Maganda ang review ni Kris sa movie nina Angel, Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Based sa post ni Kris sa Instagram (IG), tuloy ang communication nila ni Angel dahil may nabasa kaming binanggit ni Kris kay Angel na lumabas siya.

* * *

“This girl’s star is about to shine,” post ni Director Jun Lana patungkol kay Ryza Cenon, bida sa pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B. Hindi press release ang sinabi ni Direk Jun dahil lahat ng nakapanood, nagalingan kay Ryza. May mga nagugulat nga kung bakit ngayon lang nabigyan ng break sa pelikula ang aktres.
   
Nagpasalamat si Ryza sa lahat ng mga pumuri sa pagganap niya sa role ng aswang sa nabanggit na pelikula na entry sa QCinema International Film Festival.
   
“Maraming salamat sa lahat ng mga nanood sa premiere night ng Ang Manananggal sa 23B. Masaya ako at sobrang blessed na kinonsider nila ako na i-try ang role ng lead na si Jewel.”
   
Supporting role lang dapat ang ia-audition ni Ryza, pero noong nasa udition na siya, she was told to try the role of Jewel, nagustuhan ang nakita sa kanya at siya ang napiling  magbida at makapareha ni Martin del Rosario. May masturbation scene si Ryza sa movie na pinag-uusapan ng mga nakapa-nood.
   
Samantala, guest si Ryza sa Alyas Robin Hood  bilang si Nancy na nagnanakaw ng  babies sa mga ospital. Napapanahon ang role ni Ryza dahil nangyayari ang nakawan ng babies sa mga ospital.

* * *

Nanalong Best Youth-Oriented Program ang Wattpad Presents ng TV5 sa katatapos na ALTA Media Icon Awards -- an award-giving body for excellence in Print, Film, Broadcast, Recording and Social Media. Ang University of Perpetual Help ang nasa likod ng award-giving body.
   
Dumalo sa awarding ceremony ang TV5 head of Current Programming na si Ms. Joann Banaga upang tanggapin ang parangal. Sana maging daan ang award para maging masigla uli ang Entertainment Department ng TV5.

* * *

Pagkatapos ni Dennis Trillo, si Rafael Rosell ang sumunod na talent ni Popoy Caritativo na nagpa-drug test. Negative ang result ng drug test kay Rafael ng cocaine, ecstasy, opium, methamphetamine at tetrahydrocannabinol na marijuana yata ang ibig sabihin.
   
Isa si Rafael sa pinaka-fit sa mga artista dahil sa workout, healthy lifestyle at pagiging vegetarian. Kapag kausap ang aktor, ang daming malalaman tungkol sa pagiging vegetarian.
   
Anyway, napapanood si Rafael sa Sinungaling Mong Puso at patuloy na pinaha-high blood ang viewers dahil sa kasamaan ng karakter. Marami na rin ang naiinis kay Rafael na ikinatutuwa nito dahil ibig sabihin, he’s doing the right thing.

* * *

MarI-reveal na ngayong Tuesday sa Encantadia ang mukha ni Lila Sari, ang karakter sa fantaserye na unang labas pa lang ay pinag-usapan na. Dahil ito sa may suot na maskara si Lila Sari at kanya-kanyang hula ang viewers kung sino sa Kapuso stars ang nasa likod ng maskara.
   
“Lila Sari, ang Sinukuan; a fairy whose beauty can turn anyone catatonic, Lila Sari was taken by Cassiopeia (Solenn Heussaff) as a baby to keep her safe from those who fear her power.
   
“Cassiopea created a special mask that would hide Sinukuan’s face -- to keep the ones who care  for the accursed fairy safe. But Lila Sari grew up enamored with power, and she became obsessed with taking Cassiopea’s throne.
   
“Caught trying to kill the first queen of the fairies, Lila Sari was taken to the Carcero -- hidden in an underground lair -- where she cannot harm anyone else ever again. Until she is released to become Adhara’s (Sunshine Dizon) adversary -- and eventually ally.”