8,399 guests

Derek at Lovi, napagkamalang magdyowa

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 470

Matagal-tagal na ring hindi napapanood si Piolo Pascual sa isang teleserye sa ABS-CBN. Ang huli pa niyang soap ay Hawak Kamay noong 2014. 

Last year, gagawin sana niya ang Written in our Stars with Toni Gonzaga and Sam Milby, pero dahil nga nabuntis ang TV host ay pansamantala itong na-shelve.

Ayon kay Piolo, gusto pa rin niyang gawin ang serye at mukhang matutuloy na ngayong nakapanganak na si Toni.

“I actually messaged her, sabi ko, ‘if I were to do a soap, I really want it to be with you.’ So, sabi niya, she’s ready to work, maybe January or February (next year).
   
“Sabi niya, ibabalik lang daw niya ’yung katawan niya as if walang nangyari,” pahayag ng aktor sa Sunpiology Run presscon.
   
Right now, medyo maluwag-luwag ang schedule ni Papa P. dahil isang pelikula lang ang ginagawa niya, ang Once in a Lifetime, with Yen Santos under Regal Films.
   
“Just what I’ve said before, I had to take some time off, just really rest and I’m working on a movie, na-delay lang kami nang kaunti because we were fixing the script, but sorry, I was just busy with that.
   
“Other than that, wala namang ibang pinagkaaabalahan, sa bahay lang,” he said.
   
Speaking of Toni, natanong din si Papa P. kung hindi ba siya naiinggit na may baby na ito at kung hindi ba niya gustong magka-baby ulit.
   
“Gusto ko. I mean, you know, parang ang sarap ng may baby, ’di ba? Ang sarap ng may baby sa bahay. But tiis-tiis lang. At least, you know, I have my son (Iñigo Pascual) na kasama ko na sa mga lakaran,” sey niya.
   
Samantala, with regards to Sunpiology Run, ayon sa aktor, ang longest run na nagawa niya ay 21 kilometers at target daw niya next year ang 42K.
   
“Maybe in February. It’s a bucket list. Parang you know, I’m turning 40 and I’ve been saying I have to do a 42K before I turn 40. So, by hook or by crook, I have to do it next year,” pahayag ng Ultimate Heartthrob.

* * *

Hindi lang kay Derek Ramsay may sizzling love scene si Lovi Poe sa pelikulang The Escort kundi maging kay Christopher de Leon.
   
Ayon sa kanya, sobrang masuwerte siya na makahalikan ang dalawang aktor.
   
“First of all, I’m very, very lucky to be kissing Mr. Christopher de Leon and Mr. Derek Ramsay. So, at least, kahit zero ang lovelife, mayroon pa ring ka-kissing scene,” sey ni Lovi sa presscon, sabay tawa.
   
“But hindi, joke lang ’yun,” bawi naman niya agad. “Ang sa akin, I’m just very thankful kasi nga, talagang maalaga sila pareho sa akin.
   
“And ’yung love scene ko with Derek and ’yung love scene ko with Mr. Boyet are very different. Ibang klase ang atake ng bawat isa, which is actually a good thing because we can’t do the same scene, ’di ba? Parang every person that you love or make love with is different. So, ’yun po ang ipinakita namin dito.”
   
Natutuwa naman sina Derek and Lovi na maraming nagsasabi na nag-uumapaw ang chemistry nila.
   
Recently nga raw, nu’ng pumunta sila sa isang charity event, akala ng mga tao ay sila na at lahat ay nagsasabing they look good together.
   
In real life, may non-showbiz girlfriend si Derek  kaya hindi pwedeng maging sila ni Lovi tulad ng akala ng mga tao.
   
Asked kung hindi ba magseselos ang girlfriend niya, say ni Derek, “Magkaibigan sila (ni Lovi).”