6,305 guests

Make-up transformation ni Paolo, pasado kay Anne

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 656

Kasama ni Vic Sotto ang asawang si Pauleen Luna sa presscon/launching niya bilang first celebrity endorser ng Chooks-to-Go. 

Kuwento ni Vic, si Pauleen ang nag-introduce sa kanya sa Chooks-to-Go.

Si Vic din ang top choice ng mga mommy na maging endorser nito nang magpa-survey ang Bounty Agro Ventures, Inc. (BAVI) kung sino ang gusto nilang maging endorser.
   
Sabi ni Vic, naniniwala siya sa produkto dahil hindi siya nag-i-endorse ng product na hindi niya pinaniniwalaan. “I was happy and excited when they called me. Si Pauleen din, excited, sumama siya sa contract signing.”
   
Isinabay sa presscon ang launching ng TVC ni Vic.
   
Ibinalita pala ng TV host-comedian na tapos na sila sa shooting ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers na isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
   
Ito ang piakamahirap na Enteng series na kanyang ginawa with 30 cast, kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa cameo roles.
   
Sina Marlon Rivera at Tony Reyes ang directors ng movie.

* * *

Tinupad na ni Paolo Ballesteros ang sinabi sa presscon ng Bakit Lahat ng Gwapo, may Boyfriend? na gagawin niya si Anne Curtis sa kanyang make-up transformation.
   
Aprub sa netizens ang transformation dahil nakakuha na iyon ng 48,865 likes at tinawag niyang “From Benj to Kylie,” pangalan ng mga karakter nila sa Viva Films movie na showing sa October 19 sa direction ni Jun Lana.
   
Sabi ni Paolo, madaling gawin si Anne at hawig nga niya ang aktres sa make-up transformation. Kaya naman pati si Anne, nag-comment ng: “Ang galing!!! Pa send.”
   
Maganda ang role nina Paolo at Anne sa movie, mag-ex sila, kaya lang, bading si Benj at ang ending, naging best friend sila ni Kylie.
   
Inirereto ni Benj si Kylie kay Diego (Dennis Trillo) na hindi pa alam kung straight o bading. Watch na lang kayo ng movie para malaman ang kasarian ni Diego.