4,973 guests

Christian, inggit sa international career ng ex na si Rachelle Ann

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 513

... Julie Anne, tinawag na ‘next Lea (Salonga)’

Inamin ni Christian Bautista na may kaunti siyang inggit sa ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go sa narating nito, partikular na ang pagkakaroon ng bonggang international career na nagsimula nang ma-cast siya sa Miss Saigon sa London.

“Minsan, siyempre, (naiinggit). ’Yan ang dream ng bawat artist, eh, makapunta ka sa London, makapunta ka sa Broadway,” sabi ni Christian sa presscon kahapon para sa upcoming concert nila ni Julie Anne San Jose na When Julie Anne Meets Christian.
   
“Pero tatanggalin mo ’yung iniisip mo na ’yun and you’ll just be proud of her. Kasi for me, she’s the next Leah (Salonga),” dagdag pa ni Christian.
   
Hindi ba siya nanghinayang sa relationship nila ni Rachelle?
   
“Ah, tapos na tayo du’n. We’re friends. Okay na po tayo du’n. Ganu’n po talaga. Pero I’m very, very proud of her,” he said.
   
Natanong din si Christian kung sa kabila ng status niya ngayon ay nakakaramdaman pa ba siya ng insecurity sa rami ng mga bagong nagsusulputang singers?
   
“I think every artist has insecurity, and if you ask me, yeah, I have insecurities as well. Kasi, dati pa ’yan, nasa ABS-CBN pa ako, mayroon nang mga bagong dumarating every half year, every six months, may bago.”
   
Paano niya hina-handle or ina-address ’yun?
   
“Keep on going, patuloy. They deserve their own breaks, they deserve their own piece of sky. And ikaw din, as long as you’re working, mayroon kang inilalabas, anuman ’yan -- mag-business ka like Marvin Agustin or mag-theater ka, or kumanta ka, mag-release ng album -- patuloy na tuluy-tuloy, hangga’t maabot mo ang mga Basil Valdez na hanggang ngayon, nagri-release ng album, hanggang ngayon, kasama ko sa mga provincial show and he’s still so happy.
   
“Si Sir JMC (Jose Marie Chan), hanggang ngayon, may bagong Christmas album. So, patuloy lang. Tuluy-tuloy lang,” pahayag ng tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer.
   
First time na magkakasama sa isang concert sina Christian at Julie Anne at pareho silang na-excite nang sabihin ito sa kanila ng DreamStar Events Management at GMA Network, producers ng concert.
   
“Na-excite po talaga ako,” say ni Julie Anne, “kasi po finally, magkakaroon na ako ng concert with Christian.        
   
“Kasi before po, madalas, paisa-isang production number lang po ang ginagawa namin sa Sunday All Stars, sa Party P, doon lang po kami nagkakaroon ng chance.
   
“Ito po, sobrang nilu-look forward ko itong concert na ito kasi makakasama ko po ang isang Christian Bautista.”
   
Say naman ni Christian, “I’m so happy na hindi na ’ko ‘kinukuya’ ni Julie,” sabay tawa.
   
“Like her, I’m very, very excited kasi when I’m with her, I feel so young. Mas ginaganahan ako mag-perform. If you’ve seen her in any performance, anything, she gives her all. So, napakagaling niya and I’m very excited to work with her, finally, in a full show.”
   
Gaganapin ang When Julie Anne Meets Christian sa Nov. 11 sa Kia Theater with Marc Lopez as  musical director and Marvin Caldito as director.
   
Tickets are available at Ticketnet.