9,590 guests

Nagmaasim

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 405
Andi Eigen­mann Andi Eigen­mann

Andi, binuweltahan ang basher!

... ‘I do not require validation from anyone’

Sa bagong Instagram post ni Andi Eigen­mann, sinabi ni­yang wala siyang dapat ipa­liwanag at sa kabila ng kan­yang mga pinag­daanan, na­katayo pa rin siya and she’s still moving forward.
   
“I have endured, I have been broken, I have known hardship and I have lost myself.
   
“But here I stand, still moving forward, growing even stronger each day, guided by the constant blessings in my life. I guess this means I’ve been doing something right.
   
“I do not require validation from anyone, specially those who do not know my story -- which is why I have nothing to explain. I don’t mind those who misunderstand me for they are proof that I have actually stood for something in life.
   
“I, just like any other human, will determine my own story, not anybody else.
   
“What this last obstacle has taught me is that you can’t touch women who can wear pain like diamonds around her neck,” ang post ni Andi.
   
May nag-comment na netizen na nagsabing hindi dapat balewalain ni Andi ang katotohanang may nai­dawit siyang tao na nasira ang pangalan at pamilya.
   
Of course, ang tinutukoy ng netizen na nasira ang pangalan at career ay si Albie Casiño, itinurong ama ng anak ni Andi.
   
“Maybe you have apologized to him and to his family in private (SANA) but sana din lang you don’t act like wala kang ginawang masama towards ano­ther person when all this started,” ang comment pa ng netizen.
   
Hindi ito pinalampas ni Andi at maasim na sinagot ang basher: “No offense @lcamins2679 but how do you know i have not? The point is that I don’t know you and you unlike they are, arent a part of my life to be in a position to give me advice as though I actually have not, more so to know exactly what I should be sorry for.
   
“The point is that as much as I am a public figure, Im still human just like you are, and there is a whole side of me that has always stayed outside of the spotlight, which if anything, deserves to stay there, specially because there are other people involved.  “The point is that none of you are in any position to judge or advice me to do something when you actually only know what is fed to you by the media or what the turn of events have made everything out to be.
   
“So, thank you for your advice, but I’d rather take it after you have actually been around both our lives to know the real story.”
   
Sumagot ulit ang basher at sinabing, “That’s why I said ‘maybe’ you did. I did not say you did not. I am not judging you but evidence on your post na para walang ibang naapektuhan. I think you should re-read my post again...”
   
Hindi na sumagot pa si Andi at marami pang sumunod na bashers na ang titindi ng mga sinabi pero dinedma na niya ang mga ito.
   
Well, kung kami ang tatanungin, Andi is already explaining her side nang pakunti-konti base sa kanyang mga post.
   
Ipinagtatanggol niya ang kanyang sarili, na tama lang naman.
   
Pero siyempre, hindi rin siya dapat mag-expect na maiintindihan ng lahat ang side niya dahil siya na nga ang may sabi na hindi alam ng lahat ng tao ang totoong kwento.
   
So far, wala pa naman talagang nakakaintindi ng totoong kwento kundi sila-sila lang. Kaya wala ring karapatan ang mga tao na purihin siya in the same way na hindi rin siya dapat hinuhusgahan at sina­sabi­han ng kung anu-anong hindi magagandang pananalita.

* * *

Isang taon nang puro kasamaan ang ginagawa nina Albert Martinez at Arjo Atayde sa FPJ’s Ang Probin­syano kung saan ay gumaganap sila bilang mag-amang kontrabida.
   
Ayon kay Albert, mahirap na madali gumanap na kontrabida.
   
“Hindi siya madali kasi siyempre, lalabanan mo ang personal na takbo ng utak mo, kailangan, opposite ka. Kung white ka, kailangan, black ka all the time.
   
“Madali in a way naman because ’pag kontrabida ka, mas malaki ang freedom mo as far as execution or attack mo sa karakter. Marami kaming pwedeng gawin na limitado ’pag ikaw ’yung bida.
   
“So, ako mas nag-i-enjoy ako mas madalas kung ang role ko, mas masama. Sa akin, mas maganda,” sey ni Albert.
   
Kay Arjo naman, hindi raw talaga madaling maging kontrabida, pero dahil sa suporta ng ibang magagaling na cast, nagiging madali na.
   
“Give and take, eh. So, kada eksena ko, kahit sino man ang kaeksena ko, nagbibigay ng emosyon, naa-absorb mo, madadala’t madadala ka ng ka­eksena mo. Nagiging madali. Pero basically, ma­hirap,” aniya.
   
Bukod sa pagiging kontrabida, inamin din ni Arjo na gusto niyang subukan ang romantic comedy.
   
“I wanna get into rom-com and do other roles para makita ko... I’m new, eh, I wanna explore, so, from there, gusto ko munang makita kung ano talaga ang magiging strength and weakness ko,” diin ng anak ni Sylvia Sanchez.