5,494 guests

Fans, pumalag sa panggagamit kay Marian!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 839
Marian Rivera Marian Rivera

HUMINGI ng dispensa kay Marian Rivera at sa kanyang fans ang isang one-stop shop para sa hair needs sa kumalat na balitang ang GMA Primetime Queen ang next endorser nila.

Nagalit kasi ang ilang fans ng aktres sa pagla­bas ng balitang ’yon. Lumabas ang apology na ’yon sa Instagram account na @manrich143.

Narito ang bahagi ng mensahe mula sa one-stop hair shop: “While there have been some rumors of  Ms Marian Rivera becoming our next _____(brand name), there haven’t been any discussions on that as she has yet to visit our ________. But it’s free to dream, right?

“Our apologies to @therealmarian and to all her fans for any misunderstanding! To clarify issues currently circulating in various social media platforms, Miss Rivera has never contacted ______ to represent herself to be our ambassador, nor is she insisting in offering her services for free.”

Eh, knows ng fans ni Yan Yan kung sino ang da­ting customer ng nasabing produkto kaya wa nila type maging endorser ang idolo nila dahil identified iyon sa kinamumuhian nilang female celeb, huh!

* * *

TINAPOS na ni Ai-Ai de las Alas ang natitirang shooting days para sa Regal Entertainment movie kahapon, ang Our Mighty Yaya.

Isa ito sa movies na isinumite ng Regal para makasali sa 2016 Metro Manila filmfest.
   
Kung papalarin, makakabangga niya this time sina Vic Sotto, Alden Richards at Maine Mendoza sa possible filmfest entry ding Enteng Kabisote 10. Magkakampi sila last year sa MMFF entry nilang My Bebe Love.
   
Healthy competition naman ang labanan ng magka­ibigang Bossing at Ai-Ai kung kapwa matatanggap ang kanilang mga pelikula.
     
Hindi dahilan ang tapa­tan sa filmfest para masira ang matatag na friendship ng dalawa.
     
Anyway, sa customers ng casino sa Manila Pavilion, tampok si Ai-Ai sa isang special show nga­yong gabi.

* * *

LIFE of the show na masasabi si Edu Manzano. Umiral muli ang kakulitan niya sa taping ng Someone to Watch Over Me.
     
But this time, magkatuwang sila ni Tom Rodriguez na aliwin ang ibang cast, staff at crew ng GMA se­­­ries.
     
Sa isang video na lumabas sa social media, todo hataw sina Doods at Tom sa pagsasayaw matapos kunan ang matinding dramatic scene. Tawang-tawa ang lahat ng nakapanood sa kaba­liwan ng dalawa na lumalabas na mag-ama sa ser­ye.
     
Dahil sa presence ni Edu sa series, nakakagaan ng loob ang atmosphere dahil kahit iyakan ang nakikita nila sa harap ng kamera, halakhakan naman ang nangyayari off cam.
     
Naku, once umiral ang kakulitan ni Doods, non-stop ang laughter na hatid niya, huh!