5,145 guests

Sad!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 479

Mayor Kring, may pa-music therapy at pa-gym sa mga sumukong drug addict!

Nalulungkot din si Charo San-tos-Concio na hindi talaga nabibig-yan ng atensyon at suporta ng gobyerno ang ating mga pelikulang sumasali at nanalo sa mga international film festival kahit na nga ba nakapagbibigay ito ng karangalan sa ating bansa.

“I think it’s a reality that cinema is way below in the list of priorities. Ganu’n, nakakalungkot and we’re hoping, you know, people from the industry are just hoping that the government would also give the same value and the same support to the cinema and the industry as they give to the others.
   
“Yeah, hope springs eternal. I hope that one day, mabibigyan din ng value at importansiya ang ating sining, ang pelikulang Pilipino,” pahayag ng bida ng Ang Babaeng Humayo na nanalo ng Golden Lion award sa nakaraang 73rd Venice Film Festival.
   
Ayon naman kay Ronald Arguelles ng Cinema One Originals na co-producer ng Ang Babaeng Humayo, ikinatuwa naman nila ang pagtawag ni Liza Diño, chairperson ng Film Development Council of the Philippines matapos nilang manalo sa Venice.
   
“Gusto nilang mag-courtesy call kami sa Malacañang para i-acknowledge din ang pagkapanalo ng pelikula,” pahayag ni Ronald.
   
Sa pelikula ay ginagampanan ni Charo ang papel na Horacia Somorostro na na-frame ng kanyang ex-lover at nabilanggo nang walang kasalanan.
   
Ayon kay Charo, bago siya sumalang ay talagang naghanda rin siyang mabuti para sa kanyang role.
   
“I had a half-day workshop with Malou de Guzman, siyempre naman, I had to brush up kasi 17 years na ngang hindi umaarte.
   
“And then I went to the Bureau of Correctional para makapag-interview ng mga inmates do’n, para malaman kung ano ang pakiramdam na tumitigil ang buhay para sa kanila. I also spent a half-day there, and I walked around the premises. Para lang to get to know the essence of what is like to live in prison for years.
   
“And then, I had a lot of discussion with Lav (Diaz, the director) on the character and the motivations of the character.
   
“Tapos, tinatanong ko ’yung mga co-stars ko, I get feedback from then. ’Yun ang naging maganda nga sa experience kasi may collaboration. It was a very collaborative experience from my co-actors,” she said.

* * *

Super-busy kung i-describe ni Tacloban Mayor Cristina Gonzalez ang kan-yang buhay ngayon bilang bagong alkalde ng kanilang lugar lalo na nga itong first 100 days ng kanyang panu-nungkulan.
   
“Sobrang busy as in, wala nang time kahit saan, kulang na sa mga pa-beauty,” pag-bibiro niya.
   
Nakatsikahan namin at ng ibang kasamahang entertainment press si Mayora nang bumisita kami sa Tacloban nitong weekend para mag-tour sa nasabing lugar.
   
Maaga nagsisimula ang kanyang trabaho at gabi na rin ito natatapos.
   
“Sometimes I go home, mga 9 or 8 p.m., ganu’n na talaga. Sinabi ko na sa family ko, sa husband ko (ex-Mayor Alfred Romualdez), sa kids ko, na talagang, sa first hundred days talagang ano, sabi ko, pasensya na sa time, ganyan, talagang focused ako dito,” she said.
   
Sa kanyang first 100 days, isa sa talagang sobrang pinagkaabalahan nila ay ang mga pagre-rehabilitate sa mga sumukong drug users sa kanila.
   
“Maraming nag-surrender sa amin, at least, a thousand or more. So, how do we maintain na hindi na sila babalik sa dati, so headed by PNP Tacloban, kami, private sector and tulung-tulong na businessmen, we set-up a transformation center,” she said.
   
Doon ay binigyan daw ng counseling ang mga surrenderers, may pa-music therapy pa, pa-gym at iba pang pagkaabalahan.
   
“Now, mayroon na kaming assesement para du’n sa ibang pwede nang magkaroon ng livelihood,” sey ng alkalde.
   
Siyempre, tuluy-tuloy pa rin ang pag-relocate nila sa mga naapektuhan at nawalan ng bahay dahil sa bagyong Yolanda noong 2013. In fact, ngayong Nobyembre ay may mga lilipat na naman sa mga bagong bahay nilang ipinagawa.
   
“Mayroong allotment for 15,000 houses and sa November, which is the 3rd anniversary of typhoon Yolanda, may lilipat na 300 families. And sa December, we’re hoping na makalipat pa ulit kami ng more families. For this year and next year, marami nang makakalipat sa kanilang permanent houses,” she said.
   
Marami nang proyektong nasimulang gawin si Mayor Kring bukod sa mga proyektong naiwan ng mister na ngayon ay itinutuloy niya.
   
Mukhang nag-e-enjoy naman si Kring sa kanyang bagong tungkulin at ang dami niyang pinaggagawa. Dahil nga babae siya, mas maarte nga lang daw siya na ultimo CR ng city hall ay binubusisi niya at gusto niya’y laging mabango.
   
Ang ipinagdadasal lang ni Kring ay wala na raw sanang bagyong tulad ng Yolanda na dumating sa kanila. Pero at the same time, prepared naman daw sila kung sakali dahil sa mga inilunsad nilang mga proyekto bilang paghahanda sa mga sakuna.