5,627 guests

Luis, nag-cameo sa ‘MRG’ ni Alex

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 633

May pinost si Lovi Poe sa Instagram (IG) na tinawag niyang, “Visiting my next bachelo-rette pad” at sa press visit sa taping ng Someone To Watch Over Me, naikuwentong ang ipinapagawang townhouse sa may Commonwealth, Quezon City. ang bago niyang bahay at lilipatan niya bago mag-Christmas.

Two years ago pa niya nabili ang place na ’yun at pina-renovate dahil titirahan na niya. No choice si Lovi kundi iwan ang bahay niya sa Taguig City dahil sa trapik. Karamihan ng taping niya ay sa Quezon City at Bulacan, imagine kung anong oras siya gumigising for a 7 a.m. call time dahil ayaw ma-late.
   
Samantala, gabing-gabi na lang pinapaiyak ng Someone To Watch Over Me ang kanilang viewers dahil sa nakakaiyak at matitinding eksena sa soap. Hindi rin mapigilan ni Lovi na mag-rave sa kanilang soap.
   
“I love it, I love the show! Ang pinakamaganda kong scene is with Tom (Rodriguez). I got the same drive, where in the same page at sa kanya ako humuhugot. I’ve got to work with a lot of people but, it’s only with Tom na lumalabas ang tamang emotion. We make it a point to motivate together at ’pag eksena na namin, hindi na kami si Lovi at Tom, si Joanna at TJ na kami.”
   
May eksena sa STWOM na magsasama sa isang bahay sina Joanna, TJ at Irene (ex-GF ni TJ) for TJ’s sake. In real life, hindi alam ni Lovi kung makakaya niya ito. Ayaw din niyang tawaging martyr dahil fighter ang karakter niya.

* * *

Ibinalita ni Alex Gonzaga na dadalo si Luis Manzano sa premiere night ng My Rebound Girl  movie nila ni Joseph Marco bukas, September 27, sa SM Megamall. Hindi na mababawi ni Luis ang ibinalita Alex dahil marami ang nakabasa.
   
Pinasalamatan din ni Alex si Luis na pinayagan siyang mag-promote ng Regal Films movie na showing sa Sept. 28. Super close ang dalawa at minsan, inakalang may romantic involvement dahil bago si Jessy Mendiola and after Angel Locsin, si Alex ang nakaka-dinner at nakaka-date ni Luis.
   
Saka, kailangang nasa premiere night si Luis dahil may cameo siya sa My Rebound Girl  as ex-BF ni Rocky (Alex). Aliw ang eksena nilang akala ni Rocky magpo-propose si Lucky (Luis) sa kanya.

Papasok na ang karakter ni Andrea Torres sa Alyas Robin Hood  at tatapatan na niya ang pagpapaseksi ni Megan Young sa pagtu two-piece. Ang hihintayin na lang ng viewers ay ang makitang may chemistry sila ni Dingdong Dantes dahil sina Dingdong at Megan Young, nararamdaman ang chemistry.
   
Biniro ng mga reporter sina Andrea at Megan dahil si Andrea ang ka-loveteam ng BF ni Megan na si Mikael Daez, pero sabi ng dalawa, wala silang isyu, walang pressure at lalong walang competition. Masaya sila working together para magkaroon ng chance na maging magkaibigan.
   
“Sobra akong excited sa Alyas Robin Hood dahil balik-primetime ako, first time kong makapartner si Dingdong. First gray character ko ito at first time kong mag-two-piece sa TV. Sa afternoon soap, one-piece lang ako, pero dito, pinaka-daring ko na ito, level up ako, kaya good luck to me,” sabi ni Andrea.