7,652 guests

Barbie, nagbabalik drama

Barbie Forteza Barbie Forteza

INTERESTING ang latest activity ni Barbie Forteza because according to her, time out daw muna siya sa comedy dahil tonight, Saturday (September 24) bibida siya sa istorya ng Magpakailanman with veteran actor Joko Diaz. Nakita namin sa Instagram post ni Barbie na isang napapanahong tema ang kanilang itatampok—ang drugs. Kaabang-abang nga ito dahil matagal tagal rin nating hindi nakita si Barbie na umiyak sa TV.

Sa episode ng Magpakailanman na 'Anak sa Mundo ng Droga,' kasama rin ni Barbie bilang Ava at Joko bilang Bong sina Jackielou Blanco bilang Mary, Martin del Rosario bilang Lucky, Tina Paner bilang Karning, Mona Louise Rey bilang young Ava, Ar Angel Aviles bilang Joy, Joseph Ison bilang Tauhan at Ollie Espino bilang Monty.

Maliit pa lang si Ava ay pabalik-balik na siya sa ospital dahil sa hindi na maipaliwanag na sakit.  Six years old si Ava nang siya ay ma-diagnose na ng mga doktor na may sakit na thalassemia, o pagkakaroon ng abnormal na hemoglobin.

Malaki ang kinakailangang pera sa pagpapagamot kay Ava. Dahil sa kalagayan ni Ava, napilitang sumama ang kanyang ama na magbenta ng mga ipinagbabawal na gamot mula sa malalaking drug lords sa loob ng kulungan. Bagama’t nakakulong si Bong, naibigay niya ang pangangailangan ni Ava lalo na ang medical needs nito.

Naging maginhawa ang buhay ni Ava at ng kanyang nanay dahil sa pera na pinapadala ni Bong. Tuloy sa pag-aaral at pagpapagamot si Ava. Pero hindi nagtagal ay nalugi din ang mga negosyo nila.

Mula sa direksyon ni Albert Langitan, ang Magpakailanman, hosted by Mel Tiangco ay mapapanood ngayong gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7.

Alden, dream come true ang role as Lakan

LALO pang nagiging maganda at kaabang-abang ang istorya ng hit telefantasya ng GMA na Encantadia dahil lumabas na rin si Lakan na ginagampanan ni Alden Richards.
   
Pero alam niyo ba na hindi lang mga Encantadiks ang nag-abang sa paglabas ng karakter niya kundi pati na si Alden mismo. Dream come true raw ito para sa kanya dahil matagal na raw niyang gusto na maging parte ng Encantadia.
   
Gustong gusto raw niya ang role niya bilang isang Mulawin at kahit na in between takes, ayaw niyang hubarin ang costume niya. Kuwento niya, “Masarap sa feeling eh. ‘Uy, parte na ako ng dati ko lang pinapanood sa TV. Grabe."
   
May additional balita pa kami na nag-trending ang episode ni Alden. Kaya naman, isang mensahe ng pasasalamat ang ibinigay ni Alden sa mga viewers. “Nakakatuwa. Maraming salamat po. Na-miss ko rin talaga 'yung pag-arte sa primetime,” aniya. Dagdag pa nito na magiging malaki ang parte ni Lakan sa buhay ng mga Sang’gre kaya tutukan lang ang Encantadia gabi-gabi.

Hidilyn, ilalahad ang kuwento sa 'MMK'

BAGO pa man magdala ng karangalan sa bansa at magbigay ng inspirasyon sa kanyang mga kababayan, hindi naging madali ang pinagdaanan ng weightlifter na si Hidilyn Diaz para makasungkit ng silver medal sa nakaraang Rio Olympics.
   
Ilalahad niya ang kwento ng kanyang buhay sa natatanging pagganap ni Jane Oineza bilang si Hidilyn sa “MMK” hosted by Charo Santos ngayong gabi, Sabado (Sept 24).
   
Lumaki si Hidilyn sa isang mahirap na pamilya sa Zamboanga City.
   
Nang madiskubre ni Hidilyn mula sa kanyang mga pinsan ang sport na weightlifting noong 2002, sumama siya sa training sessions nila at naging masigasig sa pagsasanay nito.
   
Hindi naging matagal bago nakipaglaban na sa loob at labas ng bansa si Hidilyn. Ngunit sa kabila ng mga papuri at tagumpay sa iba’t ibang kumpetisyon, hindi pa rin naging tunay na masaya si Hidilyn dahil hindi pa rin niya maramdaman ang pagpapahalaga mula sa kanyang mga magulang at kapatid.
   
Hanggang noong 2014 nang harapin niya ang sunud-sunod na problema sa kanyang napiling sport at pati na rin sa kanyang buhay pag-ibig.
   
Kasama sa episode ng “MMK” sina  Sofia Millares, Maricel Morales, Smokey Manaloto, Brace Arquiza, John Vincent Servilla, Hero Angeles, Laisa Comia, Dominic Roque, Monsour del Rosario, Ahron Villena, Mico Aytona, Kokoy de Santos, at Perry Escaño. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Dado Lumibao.  Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO nito na si Malou Santos.