5,456 guests

Hiwalayang Brad-Angelina, mas tinutukan ng Pinoy fans

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 598

... itinuturong third party sa Hollywood breakup, hawig kay Angelina

MAS napagtuunan pa ng pansin ng ilan nating kababayan ang breakup ng Hollywood stars na sina Angelina Jolie at Brad Pitt kesa sa 44th celebration ng declaration of Martial Law, kahapon, September 21.

May nagsagawa naman ng rally papuntang España, pero hindi na karamihan ang sumama sa martsa papuntang Mendiola Bridge.
   
Obviously, mas pasok pa rin sa tao ang kasikatan nina Angelina at Brad kumpara sa naging biktima ng Martial Law.
   
Eh, ’yung mga lumang artista natin, hindi na kilala ng karamihan sa millenials, so, why bother about ML?
   
Naku, pagdating sa tsismis, local man o foreign, malakas ang appeal niyan sa mga Pinoy kumpara sa mga naganap sa Philippine history, huh!

* * *

KAUGNAY ng Brangelina breakup, maraming local celebrities siyempre ang na-affect sa balita, isa na rito ang aktres na si Angel Locsin.
   
Sa Instagram post nito, sey ni Angel, “kasi naman e,” na ang tinutukoy marahil ay ang itinuturong dahilan ng hiwalayang Brad at Angelina: Ang umano’y third party na si Marion Cotillard, na dinenay ni Brad.
   
Nagkasama raw sina Brad at Marion sa isang pelikula at doon sinasabing nag-umpisa ang problema sa pagsasama ng mag-asawang Pitt.
   
Sa makikitang larawan ni Cotillard, malaki ang hawig nito kay Angelina, huh! Younger version nga siyang matatawag ng aktres.
   
Matapos pumutok ang balita sa cyber world, parehong nag-issue ng kumpirmasyon ang ngayo’y non-couple.
   
Hirit ni Angelina, sole custody sa anim na anak nila ni Brad, pero bibigyan daw ng visitation rights ang aktor, huh!
   
Ang bottomline para sa Hollywood actress: “Unfortunately, it didn’t work out.”

* * *

NAGBUNGA na nga ang pagiging focused ni Heart Evangelista sa art. Kaya naman hindi na niya itinago ang bagong business venture na gagawin niya matapos makatanggap ng email inviting her para sa isang business meeting sa France.
   
Sa October ang target na buwan ng paglipad ni Heart sa Paris kaugnay ng meeting na ’yon.
   
Sa interview sa kanya ng GMA News, makikipag-collaborate raw siya sa isang Parisian brand.
   
“Nakita nila ’yung paintings ko sa Instagram, social media. May links kami na common, they messaged me a couple of months ago.
   
“They want to take me to the French Riviera. Magmi-meet kami this October. After that, I will come back here for the actual painting and stuff,” saad ni Heart.
   
Bahagi raw ng Hermes forum ang founder ng bagong brand kung saan niya ipi-print ang kanyang paintings sa produkto nila.
   
“She is a collector and she started her own company,” balita pa ng Kapuso actress.
   
Once maselyuhan ang business meeting, isa na namang dream ang matutupad ni Heart.