7,853 guests

Jodi Sta. Maria, wagi ng P1M

Jodi Sta. Maria Jodi Sta. Maria

WAGI ng P1 milyon ang aktres na si Jodi Sta. Maria matapos mapagtagumpayan ang kanyang Ultimate Challenge noong Lunes (Sept. 19) sa top-rating Kapamilya game show na “Minute to Win It: Last Man Standing.”

“Ang naisip ko lang, kailangan kong matapos ‘yung game. Kailangan kong ibigay kung ano ‘yung nire-require. Hindi ko na inisip ang audience. Pumunta ako sa ‘Minute to Win It’ para maglaro, mag-enjoy, ma-experience ang game. Ang expectation of winning wala sa akin, hindi ko siya naisip,” pagbabahagi ni Jodi.

Nag-uwi si Jodi ng total cash prize na P1.07 million matapos matalo ang komedyanteng si Pooh sa Head-to-Head Challenge. Ayon kay Jodi, plano niya itong ipamigay sa mga charity at foundation na matagal na niyang sinusuportahan.

Patuloy ngang nangunguna sa timeslot ang “Minute to Win It” at gabi-gabing inaabangan ng mga manonoood sa buong bansa. Ayon sa datos mula Kantar Media, nakakuha ito noong Lunes ng national TV rating na 22.6%, kumpara sa kalabang programa nito sa GMA na “Wowowin” na nagkamit lang ng 17.6%.

Jaclyn, John pinarangalan sa 34th Luna Awards

IBA talaga ang galing ng mga Kapuso stars. Recently kasi, pinarangalan ng  Film Academy of the Philippines (FAP) ang “Encantadia” star na si John Arcilla bilang Best Actor sa katatapos lamang na 34th Luna Awards dahil sa kanyang natatanging pagganap bilang si Hen. Antonio Luna sa indie film na “Heneral Luna”.
   
Samantala, tumanggap rin ang Cannes Film Festival 2016 Best Actress na si  Jaclyn Jose ng isang recognition mula sa FAP para naman sa kanyang pagganap sa “Ma’Rosa”. Ayon sa Instagram post ng A1 Ko Sa’yo at Alyas Robin Hood star, nagpasalamat siya sa Star for all Seasons na si Vilma Santos at FAP President Leo Martinez sa pag-nominate ng “Ma’Rosa” sa 2017 Oscars. “With Ms. Vilma Santos and the president of FAP. Thank you for recognition. Thank you for giving ‘Ma' Rosa’ a chance to be part of Oscars, we are praying for support”.

Paandaran sa bahay ni Regine

MAKULIT na tapatan ang magaganap sa tahanan ng Asia’s Songbird ngayong Sabado (Setyembre 24) sa “Sarap Diva”.
   
Ang fierce kasambahay na si Inday (Teri Gian) at frenemy nitong si Mosang, magpapaandaran sa tulong ng kani-kanilang unbelievable twin sisters - ang mga “Encantadia” girls na sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.
   
Plus - tsismisan sa bagong buhay may-asawa ni Solenn at kamustahan sa big break ni Sanya bilang Sang’gre Danaya.
   
Tikman ang paandar na pananghalian ni Solenn na Dinuguan Sausage.
   
Masayang Sabado ng umaga with Ms.  Regine Velasquez-Alcasid sa “Sarap Diva” pagkatapos ng “Maynila”!