8,287 guests

2 drug pushers arestado

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 205

Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Calamba Police Station sa Montreal Hotel, Bgy. Paciano Rizal, Calamba City, kamaka-lawa ng hapon.

Sa ulat kay acting Laguna police director Senior Supt. Joel Pernito ni Supt. Fernando Ortega, hepe ng Calamba PNP, kinilala ang dalawang suspek na sina Nemencio Maslacaman, alias Tuknoy, 43, ng Rodriguez Village, Bgy. Lawa, at Noel San Juan, 52, tricycle driver, ng Rizal Village, Bgy. Paciano, Calamba City.
   
Nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 1.2 gramo at may street value na P4,000, dalawang aluminum foil na may shabu residue, isang gunting, isang disposable lighter at ang P500 buy-bust money.
   
Ang pagsalakay ay isinagawa ng mga operatiba ng Calamba PNP dakong alas-4:40 ng hapon sa pamamagitan ng isang poseur-buyer sa dalawang suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.
   
Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na nakapiit sa Calamba CIty Jail habang isasailalim sa drug examination ang nakumpiskang shabu sa PNP Crime Laboratory sa Camp Vicente Lim.