8,306 guests

Nathalie, sinibasib ni Joem sa maisan!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 675

Launching movie ni Nathalie Hart ang pelikulang Siphayo ni Direk Joel Lamangan kaya itinodo na niya ang mga ginawang eksena dito lalo na sa love scenes.

Take note, may love scenes si Nathali  kina Allan Paule, Joem Basco at Luis Alandy na mag-aama ang role sa Siphayo. Kumbaga, tinuhog niya ang mag-aama, huh!

Ayon kay Nathalie nang makausap namin sa press-con ng Siphayo, pinakama-tindi ang love scene niya with Joem Bascon.
   
“Ay, grabe. Sa maisan kami nag-love scene. Ang tindi ng ginawa niya sa akin. Hinahawan talaga niya ang katawan ko at nagkatusuk-tusok ako,” kuwento pa niya.
   
Aminado naman si Jo-em na dahil marubdob ang pagnanasa ng karakter niyang pinu-portray kay Nathalie kaya talagang bigay-todo rin siya. Sinibasib daw talaga niya si Nathalie.
   
“Oo, parang ganu’n na nga, parang sinibasib ko si Nathalie kasi ganu’n katindi ’yung nararamdaman ko sa kanya. Pero very passionate naman ’yung love scene namin, hindi ko naman siya ni-rape,” natatawa niyang reaksyon.
   
Ayaw namang pumili ni Nathalie kung kanino sa love scenes niya kina Joem at Luis siya nag-enjoy.
   
“Hindi naman ako nag-enjoy. Mag-i-enjoy ako kung gagawin ’yon privately. Pero ’yung ginawa naman namin ay trabaho lang, nothing  personal,” katwiran pa ni Nathalie.
   
Ang Siphayo ay prinodyus ng BG Productions International at kasama rin sa pelikula si Maria Isabel Lopez. Showing na ang pelikula sa Oct. 3.