5,504 guests

Jeric, hirap sa maangas na role

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 340

SI Jeric Gonzales ang isa sa makakapareha ni Inah de Belen sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Oh, My Mama! Ang isa pang katambal ni Inah ay si Jake Vargas.

Mayaman na may pagka-maangas ang role ni Jeric sa Oh, My Mama! at aminado ang binata na nahirapan siyang gampanan ang role.

“Hindi naman po kasi ako maangas in real life at lalong hindi rin ako mayaman kaya medyo nahirapan ako sa role ko,” natatawa niyang pahayag.
   
Pero sa trailer ng series, mukha namang nakapag-deliver si Jeric at bumagay sa kanya ang role, huh! “Sana po magawa ko talaga nang maayos,” comment pa niya.
   
Anyway, tinawanan lang ulit ni Jeric ang tungkol sa video scandal niya na lumabas few months ago. Sabi niya, “hayaan na lang natin ’yon, lumabas na, eh.”
   
Para sa amin, isa si Jeric sa very promising young actors na Kapuso network dahil bukod sa height niya, magaling din siyang singer at artistahin talaga ang itsura.
   
Ang isa pang very promising Kapuso actor ay si Derrick Monasterio.

* * *

Ilan pang infos about Oh, My Mama!
   
Oh, My Mama! is under the helm of Director Neal del Rosario.
   
Behind this engrossing drama is the creative team composed of creative director Roy Iglesias; creative head for Afternoon Prime Dode Cruz and headwriter Luningning Interino-Ribay.
   
The program is another original creation of the GMA Drama group under the supervision of senior vice president for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable; vice president for Drama Redgie Acuña-Magno; assistant vice president for Drama Cheryl Ching-Sy; program manager Anthony Pastorpide and executive producer Joy Lumboy-Pili.
   
Catch the unique story of Maricel in Oh, My Mama! from Monday to Friday after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.