5,159 guests

Kim at Gerald, balik-tambalan sa TV

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 1001

BALAK pala nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na bumalik sa Barcelona, Spain, para magbakasyon at mamasyal.

In the three weeks kasi that they were in Barcelona for the filming of Barcelona: A Love Untold, naka-focus lang sila sa trabaho. 

Kung may mga tourist spot man silang napuntahan, ito’y dahil sa mga eksenang kinunan doon.

Eh, ang dami-rami raw magagandang lugar na puwedeng pasyalan at i-explore sa Barcelona.

“Pag-iisipan namin ito,” ani Daniel. “This time kasi, I’d like my Mama (referring to Karla Estrada) and one of my sisters to be with me. Magandang bonding para sa aming tatlo ito, ’pag nagkataon.”
   
“Ako naman, I’m going to bring with me my dad and mom although kasama ko ang mother ko sa Barcelona, limited din ang mga lugar na napuntahan niya.
   
“Kung maaari rin, if our allowance will allow it, baka pumasyal kami sa neighboring places ng Barcelona. Madrid, for example,” susog pa ni Kathryn, sounding excited. “Hindi ba Madrid is the capital of Spain?”
   
Meanwhile, by the time this issue comes out, most of you may have watched Barcelona: A Love Untold. Kaya, napanood ninyo na ang kissing scenes nina Kathryn at Daniel.
   
They were torrid, ’di ba? And did you keep time for how long the two had their lips locked?
   
Ah, basta, nakakakilig!

* * *

In the case of Alex Gonzaga and Joseph Marco, although may intimate scenes sila sa kanilang reunion project, ang My Rebound Girl, the two did not kiss, lips to lips, that is.
   
Alex said: “Hindi pa ako prepared to kiss my leading man on camera. But I hope that if I do agree to kiss a fellow actor, it would be Joseph.
   
“At home na ako sa kanya, since we’ve already worked together in Pure Love.  I like him. Mabait at gentleman siya habang ginagawa namin ang series.”
   
Asked kung naliligaw ba sa kanya si Joseph, ang maliksing sagot ni Alex: “Why ask me? Ask him.”
   
Tawa lang ang naging sagot ni Joseph.
   
Directed by Emmanuel de la Cruz, a good friend of Direk Paul Soriano, husband ng kapatid ni Alex na si Toni, My Rebound Girl was partly filmed in Benguet.
   
It also stars Martin Escudero, Nathalie Hart, Carl Guevarra, Alora Sasama and Mitoy Yonting, among others.
   
A production of Regal Entertainment, My Rebound Girl opens in theaters nationwide on September 28.

* * *

Out na pala bilang leading lady ni Gerald Anderson si Yen Santos sa upcoming series na Because You Love Me?
   
Did we hear it right na Gerald’s former reel and real-life girlfriend, Kim Chiu, has been tapped to play his partner sa series this time?
   
Nakakahalata yata kamin na for the second time, Gerald is reunited with an ex on screen.
   
Ex-girlfriend din niya si Bea Alonzo, na naging leading lady niya sa kapapalabas pa lang na movie na How to Be Yours.
   
Balitang Bea and Gerald have reunited as sweethearts in real life.