8,811 guests

Fair trial, hirit ni Lea sa kaso ng half-brother

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 258

Nagbigay ng pahayag si Lea Salonga sa pagkahuli ng half-brother niyang si Philip Salonga sa isang buy-bust operation. Ipinadala ni Lea ang statement niya kay MJ Felipe ng TV Patrol

“Philip is my half-brother (same father, but we have different mothers).

“In light of this recent arrest as reported in the news today (September 9) allow me to say that our family will not in any way hamper the investigation of the police in this matter.
   
“As with all individuals arrested under similar charges, we call only for due process and a fair trial.
   
“If he is absolutely guilty of all the charges against him, he needs to take responsibility for his actions.
   
Thank you very much.”

* * *

Para sa taong ito, napaaga ang Gabay Guro’s 9th teacher’s Tribute Event dahil sasabayan ng PLDT ang selebrasyon ng National Teacher’s Day ngayong September.
   
Pero month at date lang ang nabago dahil the same preparation at malalaking papremyo pa sa mga teacher ang inihahanda nina Gary Dujali at Chaye Cabral-Revilla.
   
In fact, bigger prizes ang ipamimigay this year para sa ating mga guro.
   
Na-share nina Gary at Chaye na kung dati, hirap silang makakuha ng sponsor, nagyon, hindi na. Kaya may van, motorcycle, house and lot, gadgets at marami pang iba ang maiuuwi ng mga teacher from all over the country.
   
Tuloy pa rin ang pagbibigay ng free training for over 16,000 teachers in the course of nine years, namely: Teacher’s Treasure Chest; English Proficiency Training; Computer Literacy; Emotional Intelligence; Teacher’s Armor; Leadership Training; IT Sustainability and Literacy; and Unleashing Creativity in Teaching.
   
Ipinagmamalaki ng Gabay Guro na within nine years, may over 1,100 scholars na sila in different state colleges and universities nationwide.
   
Sa 2017, 167 graduates ang ini-expect and most of them, with honors.
   
More or less 20 stars from the Kapamilya, Kapatid and Kapuso channels ang magpi-perform sa MOA sa September 25, gaya nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Jadine, Jaya, Jona Viray, Derek Ramsay, Sharon Cuneta at marami pang iba.
   
Exclusive sa mga teacher ang event, free ang admission.

* * *

Sina Gladys Reyes at Epy Quizon ang madalas kaeksena ni Inah de Belen sa Oh, My Mama! na airing na sa Monday, September 19.
   
Silang dalawa ang tinanong ng press people tungkol kay Inah at sa potential ng bagets bilang aktres.
   
“First project ito ni Inah at sa unang eksena naming dalawa ay drama agad. Ramdam mo na may hugot agad, ibibigay niya sa viewers ang different emotions na kailangan sa role niya. Malaki ang potential niya and from a scale of one to 10, she’s a seven for me. Ang dami niyang emosyon,” ayon kay Gladys.
   
Ikinuwento naman ni Epy na sa workshop pa lang at magkahawak pa lang ang kanilang mga kamay, umiiyak na si Inah.
   
“Ang gusto ko sa kanya, maganda siya umiyak at hanggang tulo ng luha, maganda pa rin siya. Ang nanay niya, ganu’n, maganda kahit umiiyak. I know for a fact you have a future superstar here,” ayon naman kay Epy.
   
Paiiyakin at patatawanin ng Oh, My Mama! ang viewers, sabi ni Director Neal del Rosario sa bago niyang project na mapapanood after Eat Bulaga.

* * *

Nagpa-skin head pa si Paolo Contis para si PNP Chief Bato dela Rosa talaga ang maging dating niya sa pagganap sa role ni Daniel Acosta, ang pulis na kapatid ni Megan Young sa Alyas Robin Hood.
     
Mabait dito si Paolo bilang honest and incorruptible police officer, pero hindi pa alam kung sa buong airing ng action series ay mananatili siyang mabait.
     
Nang tanungin si Paolo kung magiging masama ang karakter niya, abangan na lang daw at sa Monday, September 19, na ang pilot ng Alyas Robin Hood  pagkatapos ng Encantadia. Mula ito sa direction ni Dominic Zapata.
   
Samantala, nagulat ang mga reporter na kausap ni Paolo sa presscon dahil nagsalita na ang aktor sa relasyon nila ni LJ Reyes.    Siguro, dahil nasunod ang gusto nilang may privacy ang relasyon nila sa mga unang buwan, ngayon, open na si Paolo na pag-usapan ang tungkol dito.
   
“Masaya, masaya. The privacy that LJ and I have is working, that we do not talk about whatever we have. Anyway, action speaks louder than words. People see us out. Malaking bagay ’yung feeling namin na may naitatago pa rin kami. Mas may sense of privacy,” sabi ni Paolo.