5,799 guests

Mt. Pinatubo trekking

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 186

ANG ultimate beneficiaries ng anti-drug war ng gobyerno ay ang mismong mga kababayan nating sumigaw ng pagbabago sa pamamagitan ng pagboto kay Pangulong Digong.

Marami tayong nakakausap na empleyado sa malls, sa opisina at kahit pa mga taong-bahay na nanay na positibo ang pagtanggap sa matinding pagkilos ng pamahalaan para linisin ang ating bansa sa mga nagkalat na kriminal.
    
Batay sa sinasabi ng Palasyo, nasa 3,000 na ang namatay na mga drug addict at drug pusher, kalahati rito ay sa legitimate police operation samantalang ang iba naman ay pinatay ng mismong mga sindikatong natakot maituro.
    
Bukod sa mga napatay, mahigit 700,000 na ang sumuko at marami na rin ang naaaresto.
    
Kung titingnan ang crime rate sa buong bansa magmula July 1, kapansin-pansin, hindi maikakaila na nasa downtrend na ito. Bagama’t hindi pa natin masasabing lubusan nang malinis ang ating kalsada laban sa mga snatcher, hold-upper, carnapper, estribo at salisi gang, puwede nating sabihin na malaki na ang ipinagbago ng ating paligid.
    
Ang mga karaniwang empleyado na ating nakakausap ay nagpapasalamat sa agresibong kampanya ng Duterte administration laban sa mga kriminal na hindi nangyari sa mga nakaraang pamunuan.
    
Umaasa ang marami nating mga kababayan na darating ang panahong panatag na silang makakalakad sa ating mga kalsada papasok sa trabaho at pauwi sa kanilang mga tahanan.
    
Ang mga working class ang palaging biktima ng mga kriminal kaya ramdam natin ang kanilang pasasalamat sa sitwasyon ng bansa kahit bago pa lamang ang administrasyon.
    
Seryoso ang gobyerno sa paglilinis kaya ang panawagan natin sa mga kriminal, magbagong-buhay na kayo.
    
Ilibing n’yo na sa hukay ang inyong masamang gawain bago pa kayo maunang mailibing.

* * *
    
Nitong nakaraang Sabado, nakapag-trekking tayo mula Capas, Tarlac hanggang sa crater ng Mt. Pinatubo kasama ng aking wife na si Marita, 16-year old na bunsong si Deivid, couple na si Anthony at Rossel Taberna at iba pang mga kaibigan.
    
Sobrang layo ng aming nilakbay at sobrang hirap pero happy pa rin dahil na-appreciate natin ang nature tripping.
    
Mahaba-haba ang aming paglalakbay, kasama na ang 20 kilometers travel time sa rough road ng O’ Donell river bed mula Capas gamit ang offroad vehicles. Mula sa paanan, naglakad pa kami ng 9 kilometers papunta plus 9 kilometers pabalik. Pitong oras na lakaran sa mabato, matubig at mabundok pero sulit ang pagod.
    
Plus, 2 hours NLEX-Mindanao Avenue to Capas town at pabalik.
    
Kapansin-pansin lang na walang saklolo ang national government sa nakaraan para sana ma-develop nang husto ang Mt. Pinatubo trekking.
    
Nanawagan tayo kay Tourism Secretary Wanda Teo na bigyan ng pansin ang Mt. Pinatubo trekking tour sa pamamagitan ng paglalagay ng mga atraksiyon at regular activity sa crater site para sana maging sulit ang malayong paglalakbay ng mga trekker.
    
Maraming kababayan tayo sa Capas ang kumikita sa tourism aspect ng trekking pero mas marami pa sanang mabibigyan ng trabaho kung papasok ang Tourism department sa pagpapaganda ng lugar.

* * *

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..