9,671 guests

‘Honesty’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 631

Kris, quiet sa lipatan issue

‘Goodbyes are not forever, I’ll miss you until we meet again’

Sa pagpu-post ng quotations na “Goodbyes are not forever, are not the end; it simply means I’ll miss you until we meet again,” “And Suddenly You Know -- It’s Time To Start Something New And Trust The Magic Of Beginnings” at “Thank You,” sinimulan ni Kris Aquino ang mahaba niyang post sa paglipat niya ng network.
   
“I want to tell you the  truth & I pray you’ll understand... 20 years ago, I went back to ABS-CBN after a year w/GMA (Star-talk & a Viva produced afternoon talk show). It started w/ Today W/Kris Aquino (ended w/ Kris TV). We had a memorable, excellent run. ABS saw me through my worst & my best. I had the chance to be part of career defining shows like TWA, The Buzz, Game KNB, Deal Or No Deal, PGT etc & had iconic movies like Feng Shui & Sukob.
   
“We were set to renew our contract Feb. 2016, it was a generous, less demanding agreement but at that time there was a threat to my life we needed to take seriously. I had to regain my health, and needed time for my family & me. We didn’t sign then, went to Hawaii, came back to campaign, then left again.
   
“Our agreement was we’d talk when I got back. That is the risk of taking time for yourself -- when you come back there’s no guarantee that a space will be held for you. We spoke in July but there was no definite show & no assured time frame of my return on air. I perfectly understood -- as much as I wanted to believe I was a pillar of the network, everybody is dispensable. And I say that w/ no bitterness -- just HONESTY.
   
“So to all of you saying please don’t leave -- it wasn’t a choice that was just mine to make. I take my share of the responsibility. And I say that w/ so much gratitude in my heart.”
   
Nabanggit ni Kris na si Boy Abunda ang nag-reach out kay Mr. Tuviera on her behalf at ang napag-usapan nilang digital initiative ay lumaki. Nasa bakasyon sina Kris at mga anak at sa kanyang pagbabalik, magsisimula na siyang mag-taping. Hindi na siya magsasalita about the “lipatan issue” at mag-move forward na raw.
   
Ibinalita nitong sa unit sa Rockwell nina Manolo at Maritess Lopez sila magre-rent at patunay ito na walang bad blood between her at owners ng ABS-CBN. Nag-thank you si Kris sa ABS-CBN pati sa APT at lalo na sa followers niya.

* * *

Buhay na buhay at patuloy na gumagawa ng musika si Maestro Ryan Cayabyab at hindi totoo ang nabalitang sumakabilang buhay siya. In fact, in his element si Mr. C sa launching ng album ng The Ryan Cayabyab Singers  na Sa Panaginip Lang.
 
“It didn’t bother me at all. We were rehearsing nang kumalat ang balita, hindi ako bothered. Natuwa lang akong malamang maraming concern. Mabuti ang daughter ko nag-isyu agad ng statement at sinabing “my dad is alive.” Nakita ko ring maraming nag-share sa balita at ang daming nag-extend ng condolences, doon lang pumasok ang realization sa akin,” pahayag ni Mr. C.
 
Anyway, ang ganda ng album ng The Ryan Cayabyab Singers (RCS) ang ganda ng blending ng boses nina Poppert Bernadas, Kaye Tiuseco, Erwin Lacsa, Celine Fabie, VJ Caber, Sheerlen dela Cruz at Anthony Castillo. Worth buying and worth listening ang kanilang album distributed by Curve Entertainment.
 
English at Tagalog ang kasama sa 12-track album gaya ng Same Sad Song, Friends,

For So Long, Di Kayang Aminin, Hihintayin Kita, If I Could, Ikaw Lang at iba pa.
 
Sa nasabing album ibinuhos ni Mr. C ang six years na hindi siya nagsulat ng kanta. Naging busy daw siya sa PhilPop at sa pagpo-promote ng songs ng ibang tao. “After six years, gumawa uli ako ng songs before I get rusty,” sabi ni Mr. C.

o-O-o 

Magkasama sa Alyas Robin Hood  ang GF at ka-love team ni Mikael Daez na sina Megan Young at Andrea Torres at iniintriga sila ng mga reporter. Pero sabi ng dalawa, friends sila at walang competition between them. Alam naman ng lahat kung sino ang BF ni Andrea.
 
Sa presscon, nagpaseksihan sa kanilang suot at pagpo-pose sina Megan at Andrea and watch out dahil si Andrea, pumayag mag-two-piece sa action series. First time niya itong gagawin, pinakiusapan siya at nakita niyang kailangan at bagay sa role niyang dancer at high class thief. Kung sa mga afternoon soap ay once piece lang ang sinusuot ni Andrea, sa Alyas Robin Hood, ipapakita niya ang kaseksihan.
 
Sa Monday, September 19, ang pilot ng action series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes sa role ng isang lawyer at sa direction ni Dominic Zapata. Kung dancer ang role ni Andrea, pediatrician naman si Megan.
 
Iniimbita ng buong cast ang viewers na panoorin ang Alyas Robin Hood  para makitang hindi ito gaya sa US series na Arrow.

o-O-o 

Sa Encantadia, makikita ni Asval (Neil Ryan Sese) si Pirena (Glaiza de Castro) sa kuwarto ng mga armas. Inutos ni Pirena sa brilyante ng tubig na gawing marupok

ang mga armas. Magsasanib puwersa sila ni Asval.
 
Hindi sasabihin ni Mira (Kate Valdez) ang totoo kay Amihan (Kylie Padilla) sa binabalak ni Pirena. Malalaman na ni Milagros (Mikee Quintos) kay Muyak (Klea Pineda) na kapatid ng ina niya si Alena (Gabbi Garcia). Alaga na ni Enuo (Rafa Siguion Reyna) si Danaya (Sanya Lopez).
                                                                                   -end-

P.S. Leo, put pictures of Megan  Young & Andrea Torres & The Ryan Cayabyab
                Singers. Tnx!