7,681 guests

Kathryn, hinubaran sa ‘Barcelona’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 928

Sa isang interbyu ay inamin ni Kathryn Bernardo na talagang nahirapan siyang gawin ang pelikulang Barcelona: A Love Untold kasama ang ka-loveteam na si Daniel Padilla. Hindi raw niya makakalimutan ang mga na-experience niya habang nagsusyuting sila sa Barcelona, Spain.

“Hindi po madali. Mahirap talagang gawin ang pelikula. Kailangan naming mag-focus at araling mabuti ’yung role namin bago sumalang sa shooting,” bulalas ng magan-dang dalaga.
   
“Hinubaran po talaga ako dito ni Inang (Direk Olive Lamasan). Tinanggal niya ’yung inhibitions ko para magawa ko ’yung gusto niya. Pero gina-guide naman niya ako palagi.  Ultimo ’yung mga maliliit na detalye sa character ko binabantayan talaga niya,” dagdag pa niya.
   
Hindi nga raw medaling makatrabaho si Direk Olive dahil na rin sa reputasyon nito ng pagiging “terror” at “perfectionist” pero awa ng Diyos, na-survive daw naman ito ni Kathryn.
   
Ayon pa sa dalaga, sob-rang laki ng pasasalamat niya na naidirek siya ng kagaya ni Inang dahil marami din daw siyang natutunan dito.
   
“Ang akala ko noon okey na ako at kahit papaano may alam na rin sa craft ko, pero nu’ng ginawa ko ang Barce-lona, na-realize ko na madami pa pala talaga akong dapat matutunan. Parang bumalik kami sa zero, back to zero kami ni DJ, pero very rewarding kasi ibang klase ’yung experience na maidirek ka ni Inang,” sey pa ni Kathryn.
   
Palabas na ang Barcelona sa Miyerkules, Sept. 14.