78,573 guests

‘Kampanya kontra droga kailangan ng rehab facilities, tulong ng Simbahan para magtagumpay’

  • Written by Mia B. Billones
  • Published in Metro
  • Read: 120

Hindi magtatagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga kung walang programang ilalaan para sa mga sumukong drug dependents at nagbebenta ng droga.

Ayon kay Fr. Guilbert Villena, ng Order of Carmelites at mula sa San Isidro Labrador Parish, dapat tumulong ang Simbahan sa anti-drug campaign ng gobyerno, partikular sa kakulangan ng pasilidad para sa rehabili-tasyon ng mga sumukong lulong sa droga.
    
Sa ulat, may 700,000 na ang sumuko sa pulisya mula sa umano’y 3.7 milyong adik at pusher sa bansa.
    
Gayunman, naniniwala ang pari na posibleng bumalik ang mga ito sa iligal na gawain kung hindi matutugunan ang mga dahilan kung bakit sila nasangkot sa bawal na gamut.
    
Si Fr. Villena ang isa sa nagmisa sa nasawing mag-live-in partner na sina Vivian Ramos at Adrian Peregrino na binaril at namatay sa harap ng kanilang mga anak ng mga hinihinalang miyembro ng Caloocan Death Squad sa Camarin.
    
Kinumpirma rin ni Caloocan police chief Senior Supt. Johnson Almazan na kabilang ang mag-asawa sa drug watchlist na sumuko sa Police Community Precinct 5 kaugnay na rin sa ‘Oplan: Tokhang’.
    
Sinabi pa ng pari na bukod sa mga anak ng mga pinaslang, ilang mga residente rin ang nakakita sa pa-mamaril sa mag-asawa.
    
Ani Villena, karamihan sa mga biktima ay mula sa urban poor. Tatlo sa kanila ay nakaburol pa aniya sa Bgy. Bagong Silangan.
 
Muli namang nanawagan si Villena na pairalin ang due process sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.
    
“Sana mag-prevail ’yung rule of law, pagrespeto ng buhay. Huwag ilagay sa kamay ang batas dapat restoration, redemption, rehabilitation and not killings. Violence is violence.”

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.