5,831 guests

Pagpapalit ng gender ni BB, ’di sinasang-ayunan ng mga kaanak

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 732
BB Gandanghari BB Gandanghari

LAST Sunday, September 4 ay kaarawan ng nakatatandang kapatid ni Robin Padilla na si Rustom Padilla na mas kilala ngayon bilang si BB Gandanghari.  He turned 49 on that day.

Kasama sa mga bumati sa kanya si Robin.

Pero mukhang nasa Amerika pa rin si Bb Gandanghari dahil wala itong birthday celebration with `her’ family and close friends.

Last August 18, 2016 ay nag-file si BB ng petition for change of name and gender sa Superior Court of California (USA) at tuluyan na niyang ida-drop ang real name niyang Rustom Carino Padilla to Binibini Gandanghari.

Although suportado ni Robin ang kagustuhan ni BB na palitan ang kanyang pangalan, hindi umano ito nangangahulugan na sang-ayon siya sa lahat ng ginagawa ng kanyang `ate’.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang ina nina Robin at Rommel Padilla na si Mommy Eva Carino sa ginagawa ni Bb Gandanghari.

GENEVA, NASA BANSA

NASA bansa ngayon ang singer-actress na si Geneva Cruz pero hindi pa klaro if she’s staying here for good o nagbabakasyon lamang.
   
Sa Amerika na naka-base si Geneva at nagta-trabaho ito roon liban pa sa kanyang pagiging singer.
   
Si Geneva ay may dalawang anak, ang binata niyang anak na si Heaven sa unang husband niyang si Paco Arespacochaga (na sa Amerika na rin naka-base with his family).  May isa pa siyang two-year-old daughter na si London sa kanyang ex-fiance, ang Fil-Australian na si Lee Paulsen.  Nakatakda sanang ikasal si Geneva at Lee pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan.
   
Si Geneva ay matagal na ring hiwalay sa kanyang second husband na si KC Montero.  Hindi nagkaroon ng anak ang dalawa.

PAOLO, PARANG NAGBAKASYON LANG

MATAPOS ang five-month suspension from “Eat Bulaga,” nakabalik na sa programa si Paolo Ballesteros last Monday, September 5.
   
 Matutuwa  ang mga tahahanga ng Jo-Wa-Pao (Jose Manalo-Wally Bayola-Paolo B) dahil mag-kakasama rin ang tatlo sa pelikulang “Enteng Kabisote 10” na pinagbibidahan ni Vic Sotto na joint production ng OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment at magkatulong na pinamamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera.  The movie is intended for the coming 2016 Metro Manila Film Festival.
   
Ang pakiramdam ni Paolo ay nagbakasyon lamang siya sa “Eat Bulaga.” Naging busy rin naman kasi siya sa paggawa ng mga pelikula kaya hindi niya gaanong naramdaman na matagal pala siyang nawala sa noontime show.

‘KING OF METRO MANILA FILM FESTIVAL’

SAMANTALA, ibang “Enteng Kabisote” na ang mapapanood ng fans dahil ibang-iba na ang kuwento nito sa mga nakaraang “Enteng Kabisote” franchise ni Vic Sotto.
   
Ang “Enteng Kabisote 10” ay isa sa pinaka-successful movie franchise ni Vic earning for him the title na  King of Metro Manila Film Festival.
   
“Hindi naman siguro magtutuluy-tuloy ang tagumpay ng ‘Enteng Kabisote’ kung hindi na rin dahil sa  suporta ng mga bata at mga  pamilya na patuloy na sumusuporta kay Enteng Kabisote,” pahayag ng star-producer ng pelikula.
   
Dahil araw-araw nang napapanood si Vic sa “Eat Bulaga,” once-a-year lamang siya kung gumawa ng pelikula at ito’y itinataon niya sa taunang MMFF.
   
“Ito na rin kasi ang parang Christmas gift ko sa mga sumusuporta sa akin throughout the years,” dugtong pa ng TV host-comedian.

ALONZO, MULING KASAMA NI VIC

KASAMA muli ni Vic (Sotto) in “Enteng Kabisote 10” ang six-year-old child star na si Alonzo Muhlach.
   
Unang nagkasama sina Vic at Alonzo sa 2014 Metro Manila Film Festival movie na “My Big Bossing” .  Ito bale ang first big break ni Alonzo at naging daan ng kanyang tuluyang pagsikat bilang child star.
   
Noong isang taon ay napanood din si Alonzo sa isa pang MMFF movie, ang “Beauty and the Bestie” na pinagbidahan naman ng close buddies na sina Vice Ganda at Coco Martin.
   
Kung mapapasok sa 2016 MMFF ang “Enteng Kabisote 10,” ito bale ang pangatlong MMFF movie in a row ni Alonzo.
   
May mga nagsu-suggest din na sana’y si Alonzo ang kunin ng Star Cinema para sa movie remake ng “Darna” na pagbibidahan ni Angel Locsin at direksiyon ni Erik Matti.  Bagay umano si Alonzo sa papel na Ding na unang ginampanan ng kanyang amang si Niño Muhlach.
   
Waiting pa rin si Alonzo sa kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films.