5,102 guests

Aktres, lumabas ang tunay na ugali

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 732
Sandara Park Sandara Park

SANTA-santita pero maldita.

That perfectly describes one Kapamilya prime actress. Sobrang na turn-off ako sa aktres dahil akala ko ay maganda ang ugali. Pero sa totoong buhay, may kabastusan pala. Madalas ko siyang isulat sa aking kolum dahil sa galing nito bilang aktres. Besides she is an interesting subject.

Nasaksihan ko mismo ang kabastusan niya nang maka-encounter ko siya sa isang bagong bukas na five-star hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig City last August 28. We had our dinner in the hotel's restaurant to celebrate my grand daughter's third birthday. Kasama ang buong pamilya ko maging ang pamilya ng asawa ng pamangkin ko. Habang hinihintay namin ang driver sa main lobby, nakita namin si aktres kasama ang boyfriend niyang actor-politician. Kaya lumapit ang mom-in-law ng aking pamangkin para magpa-picture kay aktres. I volunteered to take their photo. Kahit naka- shades pa siya, kitang-kita ko ang pagkairita niya. Wala siya sa mood.

Obvious na hindi niya ako kilala bilang columnist. Hindi naman kasi ako madalas nakikita sa mga presscon. Siguro kung sikat ako na writer ay maiiba ang pakikitungo niya sa akin. But how she treated us only showed her ill manners. Marahil nairita siya na may nagpa-picture sa kanya sa isang posh hotel. Akala niya siguro lahat nang nagpapa-selfie sa kanya ay mahihirap. Well, my nephew's mom-in-law has more breeding than her. Nasa public place siya kaya 'di maiiwasan na may magpa-picture sa kanya. Pilipinas ito at wala siya sa Hollywood.

Isa pang naisip kong dahilan ng kanyang pagsusuplada ay ang pag-iwas niya na makita siya na kasama ang kanyang boyfriend, na ilang beses na ring nasangkot sa kontrobersiya. Napabalitang naghiwalay na sila. Sa katunayan, "we're still friends" ang lagi niyang sagot sa tuwing tinatanong siya tungkol sa kanilang dalawa. Pinapalabas kasi niya na hiwalay na sila. But seeing them together in the hotel proves otherwise. Kabaligtaran niya, napaka-accommodating at smiling ng kanyang boyfriend. Tuloy nalipat ang paghanga ko sa aktres sa kanyang actor-politician boyfriend.
   
Ganito pala ang pakiramdam 'pag nababastos ng mga artista, lalo na 'pag pinupuri mo silang madalas. Oo, hindi nila obligasyon na ibalik ang pabor sa  aking ginagawa. Pero ngayon ko lubos na naiintindihan kung bakit ganun na lamang ang galit ng mga kasamahan kong showbiz writers sa mga walang utang na loob na mga artista. ‘Yung mga hindi marunong mag-appreciate.
   
Buwisit na buwisit nga ako sa nakita kong pagsusuplada ng aktres sa amin. Pero siguro ibang usapin na kung kilala niya ako bilang columnist tapos pagsusupladahan pa niya 'ko. Baka mahampas ko siya sa hawak kong camera 'pag nagkataon. Wala akong pakialam kung wala siya sa mood at pagod pa siya noon. Nasa public place siya kaya umayos siya sa tamang pakikitungo sa mga tao - fans niya man o hindi. She owes her fame and fortune to the public.
   
So, instead of (just) asking, here's my unsolicited advice to "malditang" actress, please be careful with your manners in public. Just saying...

SANDARA, MARUNONG LUMINGON

IT’S payback time for Sandara Park.
   
Dahil siya naman ang magbibigay ng pagkakataon para maghanap ng bagong boy band. Dara, as she is fondly called, is one of the judges in the latest Kapamilya talent reality search Pinoy Boy Band Superstar. Kasama niya sina Vice Ganda, Yeng Constantino at Aga Muhlach sa nasabing show na magsisimula na ngayong September 10.
   
Sa kabila ng kanyang pagiging superstar bilang miyembro ng Korean girl group 2NE1, hindi pa rin nakakalimutan ni Dara ang kanyang Pinoy friends. Siya ang tinaguriang Pambansang Krung-krung dahil na rin sa kanyang natural na pagiging kuwela. At hanggang ngayon, krung-krung pa rin ang first-ever Star Circle Quest grand winner. Kaya in na in pa rin siya sa puso ng mga Pinoy.
   
Magiging in na in din kaya ang ang kanyang pagiging judge sa Pinoy Boy Band Superstar? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.