4,923 guests

JC, alam na ang dahilan kung bakit OK sa Jadine fans

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 788

ALAM na ngayon ng mga fans kung bakit inuulit-ulit  ng bagong actor, si JC Santos na hinding-hindi magagalit sa kanya ang Jadine fans, kahit sa umpisa ng bagong ABS-CBN series na "Till I Met You"ay pinalalabas na sila ang magdyowa ni Nadine.

Kuwento ni JC nang makausap natin: “Until now, I still can’t believe that this is happening. Sanay na po ako na inaaway-away ang mga bidang lalake sa mga nauna kong indie films. Actually, I already expected this at may takot po ako dahil, grabe ang pagmamahal ng  mga fans nina James (Reid) at Nadine (Lustre) sa kanila. Iyon pala, mamahalin din nila ako and I suspect, James and Nadine made it possible. Ang bait nila pareho. Sobra silang generous sa kanilang talent. Kung noong una ay tahimik na tahimik lang ako, at naiilang sa kanila, slowly, ginawa nila ang lahat para maging comfortable ako sa kanila. Ang saya-saya ko na tuloy working with them.”
   
Hindi kasi akalain ni JC na bida rin pala siya sa unang pagkakataon na magkaroon siya ng project sa pangunahing network.
   
“Gusto ko ring pasalamatan si direk Wenn Deramas (SLN) dahil siya ang nag-advice sa akin na subukan din ang TV. Puro indie movies lang ang ginawa ko.
   
“Kung saan-saan na ako nakarating. Pumunta pa ako ng New York at nag-stay doon ng five years, pero, walang nangyari. Dito sa atin po pala talaga ang kapalaran ko.”

KINAGIGILIWAN SA PBB, 'NAGPA-SABOG'

MAY bago ng kinagigiliwan ang mga nanonood ng “PBB Season 7” araw-araw: si MayMay Entrata.
   
Kahit parang batang  Melai Cantiveros si MayMay noong una, higit ang charm na angkin niya dahil kahit ang pinaka-guwapong teen housemate na si Edward Barker ay napipisil na maging leading man niya. Kahit mas matanda ito ng dalawang taon (she’s 19) sa kanya. Si Edward ay 16 years old lamang.
   
Kung galing sa buena familya si Edward, mahirap lang si MayMay. Kung hindi nakakaintindi si Edward ng Tagalog, hindi rin nakaka-intindi si MayMay ng Ingles. Ang ginawa ni Big Brother, si MayMay ang inatasan niyang magturo kay Edward ng Tagalog at si Edward naman ang magtuturo kay MayMay ng Ingles.
   
Mai-imagine nyo na ang lakas ng tawanan ng mga televiewers, lalo na nang hindi inaasahang 'magpasabog' (fart) si MayMay habang nakatabi  kay Edward. Hindi lumayo si Edward, tulad ng inaasahan. Basta, tinakpan lang niya ng T-shirt niya ang kanyang ilong para hindi mapahiya si MayMay.
   
Kung naiinggit ang magagandang housemates tulad nina Heaven Peralejo and Kisses Delavin, hindi ito nahalata sa kanila.