4,964 guests

TV series for Alden and Maine, inihahanda na

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 677
Maine Mendoza & Alden Richards Maine Mendoza & Alden Richards

ISA umanong TV series ang gagawin ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza na malamang i-co-produce ng GMA at APT Entertainment matapos ang pelikulang “Imagine You & Me” na ipinalabas last July as the first anniversary offering ng kanilang tambalan.

Si Alden ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center habang si Maine naman ay nasa ilalim ng Triple A Management ni G. Tony Tuviera.

Naging officially mag-on sina Alden at Maine last September 1 sa kanilang Kalyeserye ng “Eat Bulaga” na kanilang itinaon sa kanilang ika-59TH weeksary.

May palagay kami na ipapahinga na rin ng “Eat Bulaga” ang Kalyeserye nina Alden at Maine kasama ang mga lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidrora (Jose Manalo).

It’s about time na rin na mag-move on na rin to the next level ang tambalan nina Alden at Maine.

BEA AT GERALD, NAGDI-DATE PA RIN

KAHIT naipalabas na ang pelikulang “How To Be Yours” na pinagbidahan ng estranged couple na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo, madalas pa ring makita ang dalawa na magkasama sa iba’t ibang okasyon.
   
Mukhang nagkatotoo ang `second chance ‘ sa pagitan nina Gerald at Bea na nagkaroon ng short-lived romance in 2010. Nagkataon na pareho na silang libre sa anumang relasyon.  Hiwalay na si Gerald sa huling GF niyang si Maja Salvador ganundin naman si Bea kay Zanjoe Marudo.
       
Love is lovelier the second time around.

TONI, TODO-KAYOD PA RIN KAHIT MANGA-NGANAK NA

GRABE talaga ang pagka-workaholic ni Toni Gonzaga kahit malapit na niyang isilang ang kanilang magiging first baby ng husband niyang si Paul Soriano.
   
Napapanood pa rin siya sa kanyang weekly sitcom with John Lloyd Cruz, ang “Home Sweetie  Home” at maging sa paghu-host ng PBB: Lucky Seven.
   
Kailangan na rin niyang maghinay-hinay dahil sa buwang ito ang birthmonth ng kanilang first baby ni Paul.

RYAN AT JUDAY, BUMILI NG BAHAY SA LAS VEGAS

ANG mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang pinakabagong nagmamay-ari ng bahay sa Las Vegas, Nevada.  Kung hindi kami nagkakamali, ang iba pang celebrities na nagmamay-ari ng bahay roon ay sina Jobelle Salvador, Lito Lapid, ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto, Martin Nievera at mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales.  Sa pagkakaalam namin, may bahay din umano sa Las Vegas si Piolo Pascual. May bahay din doon  ang OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad.