10,179 guests

Bakbakan!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 333
Marian  & Ai-Ai Marian & Ai-Ai

MATARAY pero hinaluan ng komedya ni Allan K ang pagiging judge niya sa nagsimulang GMA singing contest na Superstar Duets. “Ayaw ng fans! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Allan nang aming makachikahan sa Zirkoh Comedy Bar last Friday.

Palibhasa may angking talento sa pagkanta at pagpapatawa, alam ng Pambansang Ilong kung may talent ang isang tao o wala lalo na sa walong celebrities na kalahok sa SD.

“But surprisingly, ang galing nilang kumanta. Si Jorross (Gamboa), akala mo umaarte lang. Pero napabilib niya ako. Si Pekto naman, alam kong marunong kumanta. Tumanggi lang nang sabihin kong mag-set dito (sa Zirkoh),” rason ni Allan.

Pihikan si Allan pagdating sa pagtanggap ng regular shows bukod sa Eat Bulaga. Pero nagustuhan niya ang konsepto at tuwang-tuwa siya sa ganda ng show. Kumpletos rekados lalo na’t live singing ang labanan at in full production ang ba-wat duet, huh!

“Saka mabilis ang taping! Ha! Ha! Ha! Ayoko ng mahabaang taping. Saka kilala ko na ang diskarte  ni Direk Bert (de Leon) kaya heto, ibang mundo naman ang ginagawa ko,” katwiran pa niya.

Sa pagbabalik niya sa Eat Bulaga after mag-show sa Toronto, Winnipeg, Calgary at Edmonton with matching side trip sa Montreal at Quebec, nata-on siya sa episode ng Kalye Serye na sinagot na ni Maine Mendoza si Alden Richards. Ano ang feeling niya sa sagutan na ’yon?
     
“Kinikilig din siyempre ako. AlDub fan naman talaga ako eversince,” sagot niya.
   
Hindi ba scripted?
   
“Wala, walang script ’yon. Pero nandoon din ang pakiramdam ko na Kalye Serye ba ito at totoong buhay. Totoo ang nangyaring ’yon and I am happy for them” saad ni Allan.
   
Eh kumusta naman ang lovelife niya?
   
“Wala akong lovelife! Hello???? Ha! Ha! Ha!” deklara ng Pambansang Ilong.

* * *

BAKBAKAN ng magkalabang variety shows ngayong tanghali.  Dumayo pa talaga sa ibang bansa ang katapat ng Sunday PinaSaya bilang pantapat sa first birthday/anniversary ng comedy variety show ng GMA Network.
   
Siyempre, hindi patitibag ang SPS, huh! Sa opening pa lang, isang makulay na parada ng daan-daang fans na suot ang iba-ibang costumes na nagmarka sa show ang bubungad sa manonood.
   
Kasunod nito ang isang family-oriented comedy sketch na lalahukan ng sampung original cast led by Marian Rivera and Ai-Ai delas Alas, ang Maling Akala. Magpapakitang-gilas ang dagdag na mainstays led by Ruru Madrid and Andre Paras sa isang musical gag-to-gag number sa isang karinderya na Papaitan Restaurant.
   
Muling may face off sa Madramarama Presents Adarna sina Marian bilang Adarna at Ai-Ai bilang Punita.
   
Kasunod nito ang romantikong segment na DJ Bae ni Alden Richards at special guest na si Maine Mendoza bilang DJ Mae pero nasa magkalaban silang istasyon at merong lover’s quarrel, huh!
   
Haharapin naman ni President Rodney “Dugong” Juterte (Jose Manalo) ang dating presidents na sina Fidelity Ramost, Sherap,  Gloria Macatagal Ayoyo at Nyoy Anino. Si Martin Andanar naman ang guest sa Star Buzz segment.
   
Gaya ng pangako, isang all-new dance craze ang ilu-launch bukas, ang Haha Shake Shake!