29,747 guests

Kathryn, ’di sasama kay Daniel pag-uwi ng ’Pinas

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 347
Kathryn Bernardo Kathryn Bernardo

Hindi makakasabay ni Daniel Padilla sa pag-uwi sa Pilipinas mula sa New York, USA ang ka-love-team niyang si Kathryn Bernardo.

Pagkatapos kasi umapir ng beauty ni Kathryn sa ASAP  this Sunday, Sept. 4, para  sa mga kababa-yang Pinoy sa Amerika at mag-promote na rin ng Bar-celona: A Love Untold, ay fly agad ang  dalaga sa Thailand kasama ang madir na si Mommy Min.

Magsu-shoot ng shampoo commercial si Kathryn sa Thailand pero hindi pa namin puwedeng sabihin kung anong brand ito. Lilipad siya sa Thailand na hindi kasama si Daniel dahil kaagad uuwi ng Pilipinas ang binata para sa promo ng kanilang movie.

Sa Sept. 9 ang balik ni Kathryn sa Pilipinas ayon sa mommy nito. Agad namang sasabak si Kathryn sa promo pagdating niya ng ’Pinas at magdyo-join forces na sila ni Daniel.

Sa Sept. 14 na ang showing ng Barcelona kaya kailangang pagbuhusan ng magka-loveteam ang promo ng kanilang first matured movie. Dadalo rin sila sa premiere ng pelikula on Sept. 13 bukod pa sa napakaraming block screenings na ineskedyul ng kanilang fans and supporters.
   
Nabalitaan din namin na after ng showing ng Barcelona ay lilipat sina Kathryn at Daniel sa  Iceland para naman sa isang magazine shoot. Another bonding moment na naman ito for the two at pahinga na rin siguro dahil tiyak mapapagod sila sa kapu-promote ng Barcelona: A Love Untold.