6,789 guests

Lovi, Derek nagpakilig sa social media

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 550

SABAY nag-tweet sina Lovi Poe at Derek Ramsay ng mensaheng ito para sa isa’t isa noong Miyerkules.

Lovi Poe@poevirginia:

What a great experience working with you @ramsayderekll!! I’m officially a fan of how you are as a person. Hope this is not our last project together! See you soon Piere Tartufo!

Derek Ramsay@ramsayderekll:

Another one for the books! We finally finished shooting The Escort yesterday. It was a great experience to work with you @poevirginia. I now know why so many people say such good things about you. Stay taba! See you soon #theescort.

Nakakakilig, don’t you think so?
   
Hindi na siguro dapat mag-aksaya ng panahon si Mother Lily ng Regal Entertainment. Dapat na niyang ipalabas agad-agad ang pelikula niyang “The Escort” and she’s in for the biggest hit movie of her time.

OGIE, TULUYAN NANG ‘HIHIWALAY’ KAY REGINE

TULUYAN na yatang maghihiwalay ng landas sina Ogie Alcasid at ang pinakamamahal niyang si Regine Velasquez.
   
Sa dalas ng page-guest ni Ogie sa mga shows ng Kapamilya Network, nakakatiyak na ang madlang people na sa Kapamilya Network na nga pipirma ng bagong kontrata ang isa sa pinakamatalinong songwriter sa showbiz.
   
Nalibot na niya  ang tatlong major networks ng bansa. Una siyang naging contract star ng Kapuso Network, sumunod ang Kapatid Network, at ngayon ay inaabangan na kung ano pa ang ibubuga ni Ogie sa Kapamilya Network.
   
Tulad ng inaasahan, mananatili si Regine sa Kapuso Network habang inaalagaan ang unica hijo nilang si Nathaniel.
   
Minsan pang binalikan ni Ogie ang kanyang kabataan, nang wala man lang siyang kamuwang-muwang na mararating niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
   
“Binubully-bully lang ako ng mga classmate ko noong nasa grade school pa lang ako. Ang liit-liit ko nga kasi. Ako ang pinaka-maliit sa class namin, kaya, sa front row ako laging pinauupo ng mga teachers ko. Madalas din akong ikinukulong sa comfort room ng classmates ko, kaya, nagwo-worry agad ang mga teacher ko. Hindi ako nagsusumbong dahil takot ako sa mga classmates ko.
   
“Pero, ngayon, pinagtatawanan ko na lang iyon. Lumaki na rin kasi ako kahit paano. Nauso kasi ang mga katulad ko, lalo na nang ma-barkada ako kay Janno Gibbs,” natatawa niyang kuwento.
   
“Nagkaroon din ako ng mga anak na matatangkad at magaganda (kay Michelle van Eimeren). Just yesterday, tumawag sa akin ang panganay kong si Sarah who is now 18 years old na. Umiiyak. Nag-break daw sila ng boypren niya. Sabi ko sa sarili ko, malas ng boypren niya. Marami yata ang nagsasabing kamukha ng anak ko si Selena Gomez (which is true). Malas ng boypren niya, di ba?”
   
Nakikita naman ni Ogie sa only boy niya kay Regine ang sarili niya dahil bukod sa maliit din ito ay nagco-comedy din. “At humihingi na ng kapatid,” dugtong pa niya.
  
MGA LIHIM NA KABAITAN NI MARTIN, NABUNYAG

MANGIYAK-ngiyak si Vicky Nievera, twin sister ni Martin Nievera nang magkausap sila by long distance kamakailan lang.
   
“I can’t make it to his  concert (The Best of Martin Nievera Kahapon. . . Ngayon) and I feel so bad.Martin woud like to make me feel like a part of him always. Lahat ng meron siya, gusto niya, mayroon din ako. Kung ano man ang meron ako, galing iyon sa kanya,” ani Vicky.
   
Minsang nagbakasyon siya sa bahay ni Martin dito sa Pinas, grabe ang paghahandang ginawa ni Martin. Lahat ng gusto niya’y inilagay sa kuwarto niya. Ayaw na niyang pauwiin pa ang kakambal.
   
Minsan daw, walang nakakaalam na buntis siya. Pero, nahulaan ni Martin. Yun, sobrang pag-iingat na naman ang ginawa sa kanya. Lahat ng puwedeng gawin ni Martin ay ginagawa niya para maipadama sa kanya ang labis-labis na pagmamahal.
   
Minsan, nakaranas din sina KZ Tandingan at mga tropa niya ng sobrang kabaitan ni Martin. Pinatira sila ni Martin sa bahay niya at doon ginawa ang pagme-mentor sa kanila bilang coach sa “The Voice.” Hindi rin sila makapaniwala na ganun kabait at kaasikaso sa kanila ang nag-iisang concert king.
   
“Ipinagluluto kami ni Kuya Martin ng specialty niyang hamburger na minsan ay ginawa na rin niya sa ASAP. Imagine, nagdala siya ng mahigit 200 pieces of hamburgers dahil nag-request sila. Kahit sa “Magandang Buhay” ay ginawa din iyon ni Martin para kina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
   
Maraming kuwentong Martin ang hindi alam ng publiko. Buti na lang at nakaranas sila ng kabutihang iyon ng concert king.
   
Posibleng magkaroon ng repeat ang “The Best of Martin Nievera, Kahapon,. . na ginanap sa Kia Theatre noong  August 26. Marami ang dumayong mga taga Visayas. Siempre, nag-iiyakan sila nang awitin ni Martin ang “Usahay” na sadyang handog niya sa mga ito.