4,989 guests

‘Salvage’ victim natagpuan sa QC

  • Written by Itchie Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 233

Isang lalaki na biktima umano ng summary execution ang na-tagpuang naghihingalo sa isang kalye sa Lungsod ng Quezon Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PO2 Marlon dela Vega, may hawak ng kaso, ang biktima na walang pagkaka-kilanlan ay isinalarawan na nasa 25-30-anyos, nakasuot ng kulay puting T-shirt at itim ng maong short pants at may tattoo na “crown” sa kanang balikat.
   
Nadiskubre ang bang-kay dakong alas-11:30 ng gabi sa North Zuaseregi St., Bgy. Old Balara, QC.
   
Diumano, nakatanggap ng tawag si PO3 Manuel Matabang ng Police Community Precinct 1 ng PS-6 sa pama-magitan ng emergency hotline 911 mula sa isang concerned citizen kaugnay sa lalaking nakitang walang malay na naka-handusay sa nasabing lugar.
   
Agad na nirespondehan ni Matabang, kasama ang isang co-officer at barangay tanod ang tawag kung saan nakita nila ang biktima sa na-sabing kalagayan.
   
Mabilis na itinakbo ni Matabang at kasama nito ang biktima sa East Avenue Medical Center para magamot subalit ala-1:50 ng madaling araw ay idineklara itong patay.
   
Sabi pa sa ulat ni Dela Vega, itinurn over din sa kanila ng security guard ng ospital ang dalawang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na umano’y narekober sa biktima.
   
Base sa cursory examination, ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.
   
Patuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.