4,544 guests

Lovi, na-miss ang pagpapa-sexy

  • Written by People's Tonight
  • Published in Showbiz
  • Read: 510

... aktres, na-shock sa pag-e-emote ni Rocco

Aminado si Lovi Poe na ikinagulat niya ang pagsasalita ni Rocco Nacino hinggil sa breakup nila at siya ang nakipaghiwalay.

“I was shocked at what he said but yes, it’s true. But I feel weird saying it. But he’s accepted it,” pahayag ni Lovi sa presscon ng bago niyang serye sa GMA-7, ang Someone to Watch Over Me.

Nag-usap naman daw sila nang maayos when they broke up at hindi naman ’yung tipong sa text lang.
   
Wala na ba siyang natitirang feelings for Rocco talaga?
   
“No, it’s not that. He will always remain special to me. Palagi naman ’yun, eh. It doesn’t mean na porke break na kami, hindi ko na naiisip ang kapakanan niya. Siyempre, naiisip ko na sana, he’s doing fine enough. It’s just that things are just different now.
   
“Malapit naman siya sa puso ko parati. Naiisip ko pa rin siya,” deklara ni Lovi.
   
Bagama’t hindi madaling mag-move-on, kinakaya ito ni Lovi dahil hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nawasak ang puso niya.
   
“The first man who broke my heart was my dad (Fernando Poe Jr.) because he left me here sa mundong ito. Nawala siya. Parang ganu’n. Parang I’ve been through so much in my life na every struggle that I get into, I know that it will get easier.”
   
Ayon kay Lovi, marami pa kasi siyang gustong gawin sa buhay niya at isa nga ito sa dahilan ng breakup.
   
“Gusto ko lang siguro gawin everything on my own. I’m happy na nagtatrabaho ako ngayon, may pelikula akong ginagawa, tapos may soap pa, ’yun lang po ang ano (focus) ko ngayon,” she said.
   
Sa trailer pa lang ng Someone to Watch Over Me ay masasabi na ngang bumalik na si Lovi sa pagpapa-sexy.
   
Sa pelikula niyang The Escort ng Regal Films ay sexy din ang tema at may daring scenes din siya.
   
Mas naging daring ba siya after the breakup?
   
“Siguro nagkataon lang na bumalik ako ulit sa mga ganitong klaseng movies. It’s not because of the break-up.
   
“Na-miss ko rin ’yung mga ganito (mature and sexy drama), at least, nagagawa ko siyang iba-iba. Kasi, pangit naman kapag paulit-ulit na puro sexy. Maganda ’yung iba-iba,” aniya pa.

* * *

Sa presscon pa rin ng Someone to Watch Over Me ay kinakantiyawan si Tom for being lucky dahil nga dala-dalawang magagandang dilag ang kanyang leading ladies -- sina Lovi at Max Collins.
   
Sa trailer pa lang, umaatikabong love scenes na ang makikita kay Tom with his two leading ladies.
   
“Sinabi ko nga sa kanila pareho, ‘hindi madali ang mga hiningi sa inyo,’ napakaswerte ko dahil napaka-professional nila at handa silang ibigay ang lahat ng kailangan para magampanan at maipakita nang tama ang mga sensitibong eksena.
   
“Kaya, grabe, hats off to these two, ang galing nila,” sabi ni Tom.
   
Kantyaw nga ni Lovi, magkasunod kinunan ang love scenes nila ni Max with Tom.
   
“Nu’ng umaga, si Max ang ka-scene niya. Tapos nag-shower lang siya, then ako na,” kwento ni Lovi.
   
Sabi ni Tom, ang nangyari raw tuloy, parang inalmusal niya si Max at sa tanghalian naman ay si Lovi.
   
Sa kwento, ginagampanan ni Lovi ang papel na asawa ni Tom while si Max naman ang ex-girlfriend na siyang naaalala ng karakter ni Tom nang magkaroon siya ng Alzheimer’s.
   
Mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes, mapapanood na sa Sept. 5 ang Someone to Watch Over Me sa GMA Telebabad.
   
Kasama rin sa serye sina Edu Manzano, Jackie Lou Blanco, Ronnie Lazaro at Isay Alvarez.