5,118 guests

Maine, natupad ang pangarap na ’di kasama si Alden

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 967
Maine Mendoza Maine Mendoza

HINDI napigilan ng Kalyeserye superstar na si Maine Mendoza ang maging emotional nang matunghayan ang live concert ng kanyang hinahangaang  British band na Coldplay na kanya pang dinayo sa Rose Bowl Stadium sa Pasadena, California, USA recently.

Isa sa bucket list ni Maine ang natupad nang mapanood niya ang kanyang hinahangaang band.

Hindi nakasama ni Maine sa Amerika ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards na siya namang nakasama nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) sa “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga”.

Kasama ni Maine sa panonood ng live concert ni Adelle at ng Coldplay band ang kanyang stylist na si Celeste Tuviera, anak ng big boss ng TAPE, Inc., APT Entertainment at Triple A Talent Management na si G. Tony Tuvierra, ang creative head ng “Eat Bulaga” na si Jenny Ferre at ang kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza.

PAOLO, MALAPIT NANG BUMALIK SA ‘EB’

MALAPIT na umanong bumalik sa Kalyeserye ang suspendidong si Paolo Ballesteros na siya namang gumaganap bilang isa sa tatlong lola, si Lola Tidora at bumubuo ng D’Explorer Sisters.
   
Paolo is currently finishing two separate movies, ang “Die Beautiful” at “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend” na parehong pinamamalaan ni Jun Lana.

DIANA, NANGANAK ULI

ISINILANG na ni Diana Zubiri ang first baby nila ng second husband niyang Australian model na si Andrew Smith last August 14.
   
Baby girl ang isinilang ni Diana na kanilang pinangalanang Aliyah Rose Smith.
   
Si Diana ay may isang anak na lalake now 7 years old sa kanyang namayapang unang husband na si Alex Lopez (na sumakabilang-buhay noong September 3, 2010).  Ikinasal naman si Diana sa kanyang second husband na si Andrew Smith noong May 10, 2015.
   
May ilang buwan na lang siguro ang hihintayin ni Diana at puwede na siyang magtrabahong muli.

ONYOK, ADJUSTED NA SA HIWALAY NA MAGULANG

MAHIGIT three years old pa lamang ang child star na si Xymon Ezekiel Pineda na mas kilala ngayon bilang si Onyok nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at halos bagong panganak naman ang kanyang nakababatang kapatid na si Art.
   
Sa nakikita namin ngayon kay Onyok, mukhang adjusted na siya sa set-up ng kanyang parents. Pero nagkikita pa rin naman umano sila ng kanyang ama kahit hiwalay na ito sa kanyang mama (Mary-ann) who is only 27 years old.
   
Si Onyok ang pinakabagong celebrity endorser ng Hammerhead for Kids t-shirts na pagma-may-ari ng pamilya Ong na pinangungunahan ni G. Mario Ong, ang patriarch sa pamilya.