6,192 guests

KathNiel faces biggest challenge

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 630
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

BARCELONA (A Love Untold) is "2016's biggest cinema event."

'Yan ang claim ng Star Cinema para sa bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Such a tall order. Lalo na ngayon na napaka-unpredictable ng panlasa ng moviegoers. Madalas nga natin marinig ito sa mga filmmaker: Bigyan mo sila ng matinong pelikula, 'di naman nila ito panonoorin. And whether they like it or not, Barcelona will be compared to the AlDub's hit "Imagine You and Me."

No doubt, this KathNiel-starrer movie is a "must watch" as this is megged by no less than award-winning director Olivia Lamasan. Kumpletos rekados na ito dahil big stars ang bida nito at garantisadong binusisi ito. 'Ika nga, de-kalidad ito. Isa pang ipinagmamalaki nito ay ang location nito dahil balitang 90% shot ito sa Barcelona. Pero gaya nang nauna kong nabanggit, iba talaga ang viewing habits ngayon ng moviegoers. Alam ito ng Star Cinema kaya nga dinadaan nila ito sa publicity. Sa trailer pa lang, hina-hype na nila ito na trending na raw. At lahat ng anggulo para sa publicity nito, tiyak na iha-hype nila. Idagdag pa ang synergy effort ng ABS-CBN sa promo nito. Dito magaling ang ABS-CBN.

Mapapanindigan kaya ng Barcelona ang claim nito bilang biggest cinema event of 2016 - mapa-takilya o mapa-awards? Just asking...

‘THE VOICE KIDS’, BOSES O DRAMA PARA MANALO?

WHO will be the grand winner of “The Voice Kids Season 3”?
   
Masasagot na ito ngayong darating na Sunday, August 28. Nalaman na natin kung sinu-sino ang mga pambato ng bawat team sa katatapos na semi-final rounds. Si Joshua Oliveros ng Antique ang finalist ng Team Familea ni Lea Salonga. Mula sa Camp Kawayan naman ni Bamboo ay si Justin Alva, habang si Antonetthe Tismo naman ang pambato ng Team ni Sharon Cuneta.
   
Lahat sila magagaling. Kaya pantay-pantay lang ang tatlong finalist pagdating sa bosesan. Sa tatlo, si Justin ang star material. Ngunit sina Antonetthe at Joshua ay kapwa may makulay na buhay. 'Ika nga, may hugot. Kaya kuha nila ang simpatiya ng masa. Kitang-kita ito sa kanilang nakuhang text votes - Antonetthe, 58.36% at Joshua, 56.15%. Noticeably, the reality talent search has veered away from the melodramas of the contestants. Nakakatuwa na nakikinig ang ABS-CBN sa viewers. 'Di ba nga't ginagawang bentahe ang kahirapan sa mga talent search? Pero nasa kamay pa rin ng viewers ang magiging resulta ng finals night sa pamamagitan ng text votes.
   
Ano kaya ang magiging basehan ng mga viewers sa kanilang text votes - drama sa buhay o performance? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.