8,822 guests

‘Horror Queen’ pumanaw na

  • Written by People's Tonight
  • Published in Top Stories
  • Read: 480

PUMANAW na ang tinaguriang ‘Horror Queen’ ng pelikulang Pilipino na si Lilia Cuntapay 6 a.m. kahapon sa edad na 81.

Si Cuntapay ay sumakabilang buhay sa bahay ng kanyang anak na si Gilmore Cuntapay sa Bgy. Tartarabang, Pinili, Ilocos Norte.

Ang tinaguriang ‘Horror Queen’ ay nagkaroon ng karamdaman sa kanyang spinal cord kung kaya’t hindi na siya makalakad pa simula pa noong Hulyo 5. Kailan lamang ay humingi siya ng tulong sa publiko sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa Facebook page ng Cagayan Provincial Information Office, ayon sa isang television report.

“Kung mahal ninyo pa ako, any help will be appreciated,” ang kanyang naging apela.
   
Bukod sa pagganap sa mga nakakatakot na role sa pelikula at telebisyon, nakatanggap din si Cuntapay ng Best Actress Award sa 2011 Cinema One Originals Digital Film Festival. Ginanap niya ang kanyang sarili sa “Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay” na nasa direksyon ni Antoinette Jadaone.