5,309 guests

Pabulosa!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 462
Mother Lily & Susan Roces Mother Lily & Susan Roces

ang 77th birthday celebration ng Mother of All na si Mother Lily last Friday sa 38 Valencia Events Place! Umaapaw sa guests, food and drinks at biyayang donasyon niya sa Mowelfund, Philippine Movie Press Club, Entertainment Press Society at Society of Philippine Entertainment Editors.

Si Boots Anson Rodrigo ang nagbigay ng plaque of contribution dahil sa contribution ni Mother sa film industry. Para naman sa pagmamahal at suporta sa entertainment press/editors ang bigay ng tatlong grupo.

Laking-gulat ni Tita Boots nang ianunsyo ni Mother ang donasyong P1M! Malaking tulong nga naman ito sa film workers na umaasa ng tulong sa organisasyon. Gayundin ang naramdaman ng pinuno at kasapi ng PMPC, ENPRESS at SPEED na pinagkalooban naman ng Regal matriarch ng P100K each, huh!

Pinatotohanan ni Mother Lily na ang party niyang ’yon ay para sa unsung heroes niya at ng Regal Films.

Of course, present ang pamilya ni Mother mula sa asawang si Father Remy at mga anak na sina Dondon, Meme, Roselle at Goldwyn at ilang mga apo. Maging ang unang apo na si Keith Ryan ay nagpahatid ng video greetings kasama ang asawa mula sa Amerika.
   
Super-listen din siya sa video greetings mula kina Kris Aquino, Piolo Pascual at Yen Santos na nasa New Zealand, Martin Nievera, Joey de Leon, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Coco Martin, Vice Ganda at marami pang iba.
   
Nagsilbing host sa unang bahagi ng programa si Ai-Ai delas Alas. Kumanta sina Janella Salvador, Atak, Derrick Monasterio, ang gru-pong Koro Tomasino, Laarni Lozada, Fiona at Cherisse na Regal babies at writers na sina Leo Bukas at Oghie Ignacio.
     
Sa huling bahagi ng program, ang favorite-friend pianist na si Raul Sunico ang tumugtog at kasunod nito ang party!
     
Ilan sa mga bisitang aming namataan ay ang mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe, Sen. Dick Gordon, mixed martial arts artist na si Brandon Vera, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Carlo Caparas, Donna Villa, Billy Crawford, Derek Ramsay, Daina Menezes,  Ali Sotto, Atty. Ernest Maceda and wife, Rica, Kiray Celis, directors Joel Lamangan, Chito Rono, Joey Reyes, Mel Chionglo, Mac Alejandre, AnjoYllana, big bosses ng Kapamilya na Pres. Leo Katigbak at Cory Vidanes, GMA’s Marivin Arayata, Redgie Magno, Gigi Reyes, Joey Abacan at Simoun Ferrer at marami pang iba.
   
Sa speech niya, ipinagdiinan ni Mother sa entertainment press na, “Kung wala kayo, wala rin si Mother Lily at Regal!”
   
Muli, ang aming pagbati kay Mother Lily! We love you very much!