4,847 guests

List of showbiz into drugs out soon

  • Written by Bong De Leon
  • Published in Showbiz
  • Read: 750

KAAGAD nagpalabas ng disclaimer ang Monster Radio 93.1 pagkatapos masangkot sa droga ang isa sa kanilang lady DJ na si Karen Bordador na diumano’y nahuli kasama ang boyfriend na si Emilio Lim na itinuturong supplier ng party drugs sa mga gumagamit na nasa mataas na lipunan o mga social climber.

Una, hindi raw sila pumapayag na magkaroon ng mga tauhan na sangkot sa droga. Pero ayon sa pamunuan ng radio, wala naman daw silang napupuna na magbibigay ng signales na may kaugnayan nga si DJ Karen sa droga dahil maayos naman daw itong nagtatrabaho.

Samantala, nagbigay na raw ng mga pangalan ng mga nasa showbiz na gumagamit ng droga ang boyfriend ni DJ Karen sa mga awtoridad.

CHAVIT: ’DI KO MADADALA ANG PERA SA HUKAY

FORMER Ilocos Sur Governor Chavit Singson has had his taste of honey, so to speak. Some nights ago,  he met with  the members of the entertainment press para daw ipadama niya  ang kanyang taus- puso na pasasalamat sa mga ito at upang  makilala siya nang lubusan.,  No less than his mansion in Corinthian Gardens ang venue. Umagos ang maraming di inaasahan ng bawat miyembro ng entertainment press na naroon, imbitado man o hindi, sa kagandahang loob na pinadama ni Governor Singson (na ngayo’y konsehal sa Narvacan, Ilocos  Sur).
   
Ayon kay Chavit, gusto na niyang ipamahagi ang kanyang kayamanan dahil hindi naman daw niya ito madadala sa hukay. In fact, mayroon siyang bagong TV show, ang ‘Happy Life,’ kung saan ay bibigyan niya ng bagong buhay ang ating mahirap na kababayan, hindi lamang sa Ilocos Sur kundi sa buong bansa.
   
Involved din siya sa gaganaping Miss Universe pageant dito sa Pilipinas next year January 30, 2017  to help boost the tourism industry.

BONGGANG PAMAMAALAM

BONGGANG-bongga ang nakaraang thanks-giving party for the press ng Tubig At Langis na ginanap sa ABS-CBN last week. Hindi kataka-taka kung bakit  masaya ang mga taong involved sa success nito.  It is one of the most successful  TV series in the afternoon slot na nag-dominate ng  high TV ratings  sa 21 % nationwide according to Kantar Media. Top trending na,  dahil sa mga intense scene  na iba-ibang  characters na pinangungunahan nina Cristine Reyes,Isabelle Daza at ZanjoeMarudo at marami pang iba.
   
Istorya ito ng mag-asawa na gagawin ang lahat para matagumpayan ang relasyon bilang mag-asawa. No wonder dahil tayo mga Pinoy ay family -oriented people. Dito rin ipapakita  na ang babae ay empowered with their rights  as wife.
   
Samantala, ang Tubig at Langis ay maituturing na swan song ni Isabelle Daza in the sense na soon she will have a family of her own dahil ikakasal na siya soon. Nakaka-relate maging si  Cristine Reyes, isa na nga siyang  ina  at hands on sa kanyang pamilya.
   
Dito mo maasahan ang ABS-CBN sa paggawa ng mga de kalidad  na serye dahil sa reputasyon  nga nila na world class at napapanood ng maraming tao sa buong mundo through TFC.

BUBBLE GANG CONTINUES TO BRING GOOD VIBES

GMA 7’s comedy show Bubble Gang continue to bring good vibes to its loyal viewers every  Friday night.
   
Bubble Gang delivers non-stop fun and surprises tonight, Friday (August 19) with celebrity guests Michael de Mesa, Barbie Forteza, Arra San Agustin, Jak Roberto, Jay Arcilla at Aljur Abrenica.
   
Have the best laugh of your life as you watch a rock band quietly rehearsing their song while Bitoy leads a band as they perform an original material.
   
Catch Sef as he shows the struggles of being a gay in Buhay Bakla segment.
   
Witness the comeback of Antoinetta as she faces seasoned actor Michael de Mesa.