4,619 guests

Regine, mapagpatol sa bashers

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 379

Mother Lily, muntik maospital!

PINAGLARUAN sa social media si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa kanta niya tungkol sa ulan. Ginawan siya ng picture na kumakanta at ang kasamang lyrics na, “Minsan pa ulan bumuhos ka… ’Wag nang tumigil pa!!!”

Tapos sa bandang ibaba ay picture ng dalawang lalaki na sumulong sa baha at may caption na, “P_____ Ka, Ate Reg!”
   
Nakarating kay Regine ang viral picture niyang ’yon at nag-post siya ng tugon sa kanyang Instagram account: “Siyempre, ako na naman ang sinisise sa madalas na pag-ulan! ANO BEH!!!!”
   
Patola (mapagpatol) rin talaga si Songbird, huh!

* * *

MAAYUS-AYOS na si Mother Lily Monteverde nang makachikahan namin last Monday evening sa Gloria Maris.
   
Ilang araw pala siyang walang ganang kumain at ayon sa kanya, baka dahil sa tubig na nainom niya.
   
Gusto nga sana siyang ipasok sa ospital ng doctor niya, kaya lang, umayaw siya.
   
“I lost five pounds in five days,” ani Madera.
   
Pero sa dinner na ’yon, magana naman siyang kumain at naging masigla lalo na’t birthday na niya sa  August 19, at isang magarbong selebrasyon ang inihahanda para sa kanya.
   
Nais kasi ni Mother Lily na magpasalamat sa entertainment press na naging bahagi ng buhay niya bilang movie producer at sa pagtagal ay naging mga kaibigan na niya.
   
Sa hirap at ginhawa, hindi man ganoon karami ang pelikulang ginagawa ng Regal ay nandoon pa rin ang entertainment press na hindi siya iniiwan at nandoon pa rin ang tiwala, suporta at pagmamahal sa kanya at sa Regal.
   
Tanggap na rin ni Mother Lily ang stars come and go but the entertainment press stays.
   
Sa dinner ding ’yon ipinagmalaki ni Mother ang pictures ng location ng movie ni Piolo Pascual na Once in a Lifetime sa New Zealand.
   
Alam niyang may kamahalan mag-shoot sa NZ pero dahil sa layunin niyang makapagbigay ng pelikulang maipagmamalaki ng mga anak at apo, eh, hindi niya alintana ang gastos.
   
Komo ngayon ay madalas nang nababalewala ang entertainment press sa pagdating ng social media, sinisiguro ni Mother Lily na hinding-hindi niya sila iiwan!

* * *

NAKAPUNTOS si Miguel Tanfelix sa ibang Kapuso male stars dahil bubuhayin niya ang character niyang si Pagaspas na isang Mulawin simula ngayong gabi sa Encantadia.
   
Limang taon pa lang si Miguel nang gampanan niya ang role ni Pagaspas sa Mulawin na pinagbidahan ni Richard Gutierrez. 
   
Naging katuwang niya ang child actress na si Sam Bumatay na gumanap bilang Angel Locsin nang lumaki na.
   
Hindi maiwasang alalahanin ni Miguel ang mga panahon na siya si Pagaspas. After ilang taon, heto muli ang Kapuso teen actor sa character na minahal ng mga manonood.