6,910 guests

Alden, ’di napigil ng masamang panahon

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 460

HINDI naging hadlang ang masamang panahon para hindi dayuhin ng fans ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang kanyang book launching ng “Alden Richards: In My Own Words” na ginanap sa activity center ng Robinsons Galleria.

Isa sa strong supporters ng AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza na si Christine `Tintin’ Bersola-Babao ay hindi rin inalintana ang masamang panahon at sumugod din para suportahan ang event.

Ang “Alden Richards: In My Own Words” ay published and released ng Summit Media na siya ring publisher ng no. 1 entertainment magazine na YES!

‘MANG KEPWENG,’ GUSTONG SUMALI SA MMFF 2016

KAHIT isang linggo nang masama ang panahon dahil sa habagat, tuluy-tuloy pa rin ang shooting ng “Mang Kepweng Returns” ng Cineko Productions na pinagbibidahan ni Vhong Navarro with Kim Domingo as leading lady.  Ito’y pinamamahalaan ni GB Sampedro with comebacking  Ramon Salvador as supervising producer.
   
Nakakatuwa rin ang mga batang producer ng Cineko Productions dahil napaka-hands on nila. Gusto talaga nilang matuto sa lahat ng aspeto ng pagpu-produce ng pelikula.
   
Umaasa ang mga bagong producer ng Cineko Productions na sana’y makalusot sa screening committee ng 2016 MMFF ang “Mang Kepweng Returns” hindi lamang dahil first project nila ito kundi ipinagmamalaki nila ang movie na ito ni Vhong.
   
“Matatawa, matatakot at mai-entertain sila sa “Mang Kepweng Returns” ni Vhong and the rest of the cast,” pagmamalaki ng dalawa sa pitong young producers na sina Lady  Ilao at Michelle Diolola na parehong young legal experts and  entrepreneurs.

CHAVIT: ’DI AKO MASAMANG TAO

HANGGANG ngayon ay may `hang-over’ pa rin ang mga dumalong entertainment press sa isinagawang dinner  get-together with Manong Chavit Singson na ginanap sa kanyang mansion sa Corinthian Gardens in Quezon City dahil ito ang kauna-unahan ng marami sa kanila ang nakaharap at nakakuwentuhan ang inaakala nilang  matapang at nakakatakot na businessman-politician at in-allow pa silang  makapasok sa kanyang bahay.
   
“Hindi ako masamang tao,” diin ni Manong Chavit.
   
“Unknown to many, marami tayong tinutulungang tao laluna ang mahihirap na talagang nangangailangan,” aniya pa.
   
“Ito rin ang nagbunsod sa akin na muling buhayin ang dating produksiyon ng nanay ko, ang Northern Star Productions para makatulong sa mga taga-industriya,”pahayag niya.
   
Katunayan, kinukumpleto na niya ang pang-one season episodes ng isang ni Eric Quizon bago ito maipalabas.
   
“Para itong reality show na ang mga recipients ay ang mahihirap nating kababayan,” pagmamalaki pa niya.
   
Hindi inaasahan ng mga dumalong press na napaka-down-to-earth din pala ni Manong Chavit na isang napaka-transparent na tao.  Ang iba sa kanila ay nag-stay pa at nakipag-kuwentuhan sa kanya.
   
Higit sa lahat, kanyang ibinahagi ang kanyang major participation sa upcoming 2017 Miss Universe pageant na dito sa Pilipinas gaganapin sa ikatlong pagkakataon.

BAMBOO, NAPAIYAK SA PAGPILI

HINDI naiwasan ni Coach Bamboo (Manalac) ang mapaluha nang piliin niya ang tatlong semi-finalists sa kanyang grupo na sina John Justin Alva, Xylein Herrera at Wyllian Heart Salvador dahil ang mga hindi niya napili ay malapit lahat sa kanyang puso. Pero wala siyang choice dahil tatlo lamang ang kailangan niyang piliin para sa “The Voice Kids” semi-finals.
   
Nilapitan pa ni Coach Bamboo ang hindi nakapasok sa semi-finals ng “The Voice Kids”  at isa-isang niyakap.