6,877 guests

Judy Ann, malaking impluwensya kay Sarah

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 528

Maganda ang ginawa ng mga producer ng Kusina na ipatikim sa mga invited sa special screening ng 2016 Cinemalaya entry ang mga putahe na niluto nina Judy Ann Santos at Gloria Sevilla sa nasabing pelikula. Dahil kasama ng press people si Judy Ann sa food tasting na ginawa sa Sarsa Resto sa SM Megamall na inihanda nina Chef JP Anglo at staff niya, na-explain ng aktres ang mga putahe.

Gaya ng bakit niya inihaw muna ang manok at baboy bago ilutong adobo? Ipinakita rin sa pelikula ang mga paghahanda bago lutuin ang mga putahe na nakakagutom. Kaya bago n’yo panoorin ang Kusina, kumain muna kayo o kaya’y magbaon.

Worth the wait for Judy Ann ang Kusina dahil maganda ang pelikula at muli siyang nagpamalas ng husay sa pag-arte. Mabuti rin at hinintay siya ng mga director na sina David Corpuz at Cenon Palomares na after two years pa niya nagawa ang pelikula pagkatapos niyang mabasa ang script.

Kabilang sina Judy Ann at asawang si Ryan Agoncillo sa executive producers ng movie at isa si Noel Ferrer at ang Noel Ferrer Productions sa producer.
   
Sa Monday, ang gala premiere nito sa CCP Main Theater. Bukas, August 8, sa Studio Theater ng CCP, may meet and  greet si Joem Bascon na kasama sa pelikula. Sa Aug. 12, may meet and greet din si Judy Ann sa main theater ng CCP, 9 p.m.
   
Samantala, si Judy Ann ang isa sa mga impluwensya ni Sarah Geronimo sa pag-enroll ng Culinary Arts. Ang ganda ng sinabi ni Judy Ann patungkol kay Sarah.
   
“I’m really glad she’s into culinary and she’s making time for herself. Nag-i-explore na siya at nagagawa na niya ang mga gusto niya, tao na siya at hindi na siya robot.”

* * *

Nababalitang baka si Jennylyn Mercado ang makapareha ni Vic Sotto sa MMFF movie nito, pero nang makausap namin ang aktres sa taping ng Everyday Sarap with CDO, kahit gustuhin niya, hindi niya kayang gumawa ng pelikula. Hindi na nito natanggap ang Star Cinema movie nila ni Coco Martin dahil sa schedule.
   
Magsisimula nang mag-taping si Jennylyn ng teleserye niya sa GMA-7 at may isa pa siyang show na gagawin. Pero malay natin at magawan ng paraan at siya nga ang maging leading lady ni Vic sa MMFF entry.
   
Isa sa nagpapa-busy kay Jennylyn ang taping ng cooking show niya sa GMA News TV na Everyday Sarap with CDO. Pero hindi trabaho ang tingin niya rito dahil enjoy siyang magluto at gustong nakakadiskubre ng bagong dishes at sa, kasama niya ang CDO sa pagtuklas ng bagong recipes gamit ang CDO products.
   
“Saka, therapy ko ang magluto, nakakaalis ng stress at nakakatulong ako sa mga mommy. Higit  sa lahat, three times akong napapanood sa TV. Sa mga artista, malaking bagay ang exposure kahit wala akong soap at movie, napapanood pa rin ako at madalas pa,” wika ni Jennylyn.
   
Napapanood ang Everyday Sarap Monday to Friday, 8:20-8:30 a.m., 3-3:10 p.m., at 7-7:10 p.m.; tuwing Sabado 8:20-8:30 a.m., 3-3:10 p.m. at 4:50-5 p.m.; tuwing Linggo 12:25-12:55 p.m., 4:50-5 p.m. at 5:40-5:50 p.m.

* * *

Maganda ang concept ng TVC ng San Marino Corned Tuna na ini-endorse nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi pilit ang TVC at inumpisahan sa pagiging magka-love team ng KathNiel. Parang teleserye ang treatment sa TVC at wish ng fans ng dalawa, marami pang version ng TVC para lagi silang masaya at busog.
   
Considered the number one corned tuna in the country ang San Marino Corned Tuna, was launched by Foodsphere Inc., in 2009. First of its kind ito sa market, kaya may mga gumaya. Bagay na endorser ang KathNiel being one of the most popular loveteams in the country at iba rin ang tuwa na bigay nila sa kanilang fans.
   
Umiikot sa “I find my true love” ang concept ng TVC ng San Marino Corned Tuna na swak din sa KathNiel love team. Mukhang nahanap na nina Daniel at Kathryn ang pag-ibig sa isa’t isa.

* * *

Gusto namin ang pelikulang 123  na opening film sa 2016 Cinemalaya. Simple, pero totoo at tungkol sa buhay ng mga simpleng tao na ang pangarap umasenso para makakain nang tama at makatapos ng pag-aaral. Hindi kami na-disappoint sa director nitong si Carlo Obispo at salamat sa Tuko Film Productions at Buchi Boys Films sa pagpuprodyus ng pelikula.
   
Ang huhusay ng tatlong main lead stars na sina Barbara Miguel, Therese Malvar at  Carlos Dala. Hindi namalayan ng audience sa CCP, lumuluha na sila dahil nadala sa istorya at sa mga karakter ng 123. Nag-audition ang tatlo at hindi nagkamali si Direk Carlo na sa kanila ibigay ang mga karakter nina Lulu (Barbara), Reyna (Therese) at Luis (Carlos).
   
Nakatutuwa na pinagkaguluhan ng audience ang tatlo after ng screening. Sana, kunin sila ng mga producer para sa mainstream film dahil sayang ang husay nila kung limitado ang exposure.
   
Sayang din ang nabalitaan naming kanselado na ang Tres Marias ng BG Films na kabilang sa mga bida sina Barbara at Therese at ididirek ni Joel Lamangan. Tungkol sa teen pregnancy ang tema ng pelikula at sana may magtuloy.