6,709 guests

Sarah at Matteo, secure sa isa’t isa

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 717

NATAWA si Matteo Guidicelli sa tanong kung may posibilidad bang magselos siya dahil magkakaroon ng reunion movie sina John Lloyd Cruz at ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. 

Bale ba, ang magiging titulo umano ng pelikula ay My Dear Future Husband.

Kung sabagay, parang tinanong na rin natin kung dapat bang magselos si Sarah dahil for the first time, he himself is co-starring in a movie. Ghost Bride, with Kim Chiu.
   
“We trust each other,” ang maikling saad ni Matteo, “secure kami sa nararamdaman namin sa isa’t isa.”
   
Ganunpaman, he is not in a position daw to reveal where he and Sarah are going for Valentine’s Day.   Basta raw, they will celebrate it together.
   
My Dear … is Sarah’s first project in a long while. For the last few months, she has not done any tv show or movie.
   
Samantala, showing pa hanggang ngayon ang latest starrer ni Matteo, the action movie Across the Crescent Moon, which also stars Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Sandy Andolong and Matteo’s childhood sweetheart, Alex Godinez.

* * *

Ang galing palang sumayaw ni Arjo Atayde. Idinispley niya ang kanyang dancing skills sa programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi, Vice when he guested last Sunday with mom Sylvia Sanchez and younger sister Ria Atayde.
   
But as it is, ang galing ni Arjo as a kontrabida ang pinag-uusapan.
   
Very effective nga naman kasi siya sa performance niya as the prime kontrabida ni Coco Martin in the top-rating series, FPJ’s Ang Probinsyano.
   
Where his lovelife is concerned, tulad ni Coco, medyo mas preferred ni Arjo to be quiet about it although may nakapagbulong sa amin that the girl is a member of the pasikat nang all-girl group na Girl Trends.
   
Well...

* * *

Speaking of the John Lloyd-Sarah reunion movie, My Dear Future Husband, ito bale ang first project ni Alice Dixson with Star Cinema.
   
Alice has never appeared pala in any Kapamilya project.
   
Kung sabagay, when she decided to resume her showbiz career matapos bumalik ng Pilipinas from Canada, she signed up with TV5.
   
May ginawa rin siyang project with GMA-7 nang mag-expire ang kontrata niya sa Kapatid network.        Hindi pa niri-reveal ng mga kinauukulan ang magiging role ni Alice sa My Dear Future Husband.