11,594 guests

2 nanlaban sa police drug bust, utas

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 116

Nasawi ang dalawang lalaki matapos na manlaban uma-no sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang anti-drug operation kamakalawa.

Sa ulat kay QCPD director Chief Supt. Guillermo Eleazar, kinilala ang mga nasawi sa alyas na “Kosa”, 25-30-anyos, may taas na 5’3”, payat, nakasuot ng kulay itim na short pants, sando, may mga tattoo na “Aljur, Aicel, Lei” sa kaliwang braso; at alyas na “Totoy”, 35-40-anyos, may taas na 5’3”, payat, nakasuot ng kukay itim na jersey short pants, may tattoo na letter “B” sa kanang hita.

Sa imbestigasyon ni PO3 Louie Serbito, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nakasagupa ng mga nasawi ang mga operatiba ng Station Anti-illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Batasan Police Station 6 sa pamumuno ni Chief Insp. Sandie Caparoso at 36 na personnel nito.

Nangyari ang insidente malapit sa 48 Bulakan St., Group 3, Bgy. Payatas B, QC, dakong ala-1:25 ng hapon kung saan nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba laban sa mga suspek.
   
Subalit sa kalagitnaan umano ng transaksyon ay nakatunog ang dalawang suspek na mga operatiba pala ng pulisya ang kanilang nakatransaksyon kaya nagbunot ang mga ito ng kanilang baril at pinaputukan ang huli.
   
Gumanti ng putok ang mga operatiba at nasugatan ang mga suspek at itinakbo sa East Avenue Medical Center kung saan kapwa idineklarang dead on arrival.
   
Samantala, nakarekober naman ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ng dalawang kalibre. .45 na baril, mga basyo ng bala, at isang  sachet ng shabu at mga drug paraohernalia.