4,694 guests

Gobyerno, nakahanda para wakasan ang ating problema

  • Written by Vic Reyes
  • Published in Opinion
  • Read: 211

NGAYON pa lang ay siguradong nanginginig na sa takot ang mga kriminal at tiwaling opisyal at kawani ng gobyerno. 

Plano kasi ng gobyerno na ilunsad sa Enero ang giyera laban sa kanila.

Ito ang ipinahayag kamakailan ni DILG Secretary Ismael Sueno.

Noong nakaraang eleksyon ay ipinangako ni Rodrigo Duterte na kung mananalo siyang pangulo ay bibigyang lunas niya ang tatlong pangunahing problema sa bansa.
   
Ito ang iligal na droga, korapsyon at kriminalidad.
   
Ang unang inilunsad niya ay kampanya laban sa tinatawag na drug monster.
   
Kagaya ng inaasahan, naging madugo ang kampanya dahil maraming pushers at users ang pumalag.
   
Libu-libo ang namatay, naaresto at sumuko.
   
Sa takot ay napilitang magbagong buhay ang maraming sangkot sa iligal na droga.
   
Meron pa ring naliligaw ng landas pero maliwanag pa sa sikat ng araw na humina na ang drug monster.
   
Kaya naman uumpisahan na ng pamahalaan ang paghabol sa mga kriminal at bugok na itlog sa gobyerno.
   
Hindi maipagkakaila na nandiyan pa rin ang kahirapan dahil sa kagagawan ng mga magnanakaw sa gobyerno.
   
Ang perang dapat mapunta sa mga pro-poor program ay ninanakaw ng mga tiwaling “lingkod-bayan.”
   
Hindi basta natatanggal ang mga “lingkod-bayan” dahil may mga security of tenure sila.
   
Ang ibig sabihin nito, hindi basta nasisipa ang mga tiwali.
   
Kailangan dumaan sila sa tinatawag na due process.
   
Ito ang problemang kakaharapin ni Pangulong Duterte.
   
Mas madali sigurong puksain ang mga kriminal na kagaya ng mga holdaper at kidnaper.
   
Ganun pa man, naniniwala tayo na may program of action si Duterte laban sa mga kriminal at tiwaling lingkod-bayan.
   
Hindi madali ang giyerang kakaharapin ni Pangulong Duterte pagpasok ng 2017.
   
Pero tiyak, nakahanda ang gobyerno para wakasan ang ating mga problema.

* * *
   
Abala ang lahat dahil panahon nga ng Kapaskuhan.
   
Pero iba ang pinagkakaabalahan ng Bureau of Customs (BoC).
   
Tutok sila sa pangongolekta ng buwis at paghabol sa mga ismagler.
   
Sa totoo lang, hindi sila puwedeng magpabaya iba ang mga mandurugas sa aduana.
   
Matatalino, maimpluwensiya at  mapera. Maraming beses na itong napatunayan.
   
Kaya hindi na ito nakapagtataka dahil mukhang “na-perfect na nila ang art of outsmarting the authorities.”
   
Dahil malaki ang pakinabang ng mga mandurugas, siguradong magtatangka pa rin silang magpalusot.
   
Iyon nga lang, iba na ang sitwasyon ngayon sa aduana. Mahihirapan na ang mga mandurugas.

* * *
   
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0921-4765430/email:This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)