8,600 guests

Nora, Uge at Paolo, todo-suporta sa parada

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 433

As scheduled, ginanap kahapon (Dec. 23) ang taunang Metro Manila Film Festival Parade of Stars na naging makabuluhan dahil after 42 years, mismong si Manila Mayor Joseph Estrada ang nanguna sa taunang pista ng pelikulang Pili­pino.

Ang nasabing filmfest parade ay dinaluhan ng mga artista gaya nina Nora Aunor, Eugene Do­mingo, Jericho Rosales at ang kabogerang si Paolo Ballesteros, pati na production staff ng official entries na Ang Babae sa Septic Tank 2, Die Beautiful, Kabisera, Oro, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, Vince & Kath & James at Seklusyon.

Mula Manila City Hall, tumuloy ng Mehan Garden, nag-right sa Taft Avenue, straight to Jones Bridge, Chinatown pagkatapos ay kumanan sa Reina Regente Street, then kanan sa Claro M. Recto Avenue, then kaliwa sa Rizal Avenue (Avenida), then kanan ulit sa Fugoso Street tuloy Quezon Boulevard, then kanan sa Quezon Blvd. papuntang Plaza Miranda.

Tuloy ang parangal  para sa best float at ihahayag ito sa Gabi ng Parangal sa Dec. 29 sa Kia Theater.

Bukod dito, tuloy din ang Kids Choice Award na pa­ngu­ngunahan ng batang aktres na si Teri Malvar bilang head kid jury.
   
Malugod na tinanggap ng MMFF execom ang mga endorsement at suporta ng iba’t ibang sektor at perso­nalidad tulad ni Presidente Rodrigo Duterte, VP Leni Robredo, DepEd Secretary Leonor Briones, Congresswoman Vilma Santos, Congressman Alfred Vargas, John Lloyd Cruz, Alden Richards, Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at Mocha.
   
Maging ang mga bumubuo ng local at international film festivals ay nagmamatyag at sumusuporta sa mga pagbabago sa MMFF ngayong taon.
   
“Ngayon pa lang panalo na tayo,” ani MMFF Chairman Tim Orbos. “Lampas sa anumang pansariling inte­res, sa huli, ang makikinabang rito ay ang mga tunay na  tagasuporta ng pelikulang Pilipino. Magkita-kita tayo sa sinehan ngayong Kapaskuhan.”
   
Matatandaang this year lang ipinatupad ng MMFF ang malaking pagbabago sa mga patakaran ng pestibal kabilang na ang proseso ng pagpili ng walong official entries.

* * *

Masaya si Jolina Magdangal na sa bagong bahay na ipinagawa nila ng asawang si Mark Escueta na sila magdaraos ng Kapaskuhan at siyempre, kasama ang unico hijo nilang si Pele.
   
Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Jolens ang bagong bahay na sa labas ay napakaaliwalas tignan with its white paint.
   
Pinasalamatan ni Jolens ang mister sa pagsisipag para matapos agad ang bahay, gayundin ang anak na si Pele na inspirasyon nila.
   
“We’ve been building this for more than a year now mula nang maisip namin kung anong klaseng bahay ang gusto namin. At ’eto na nga at malapit na malapit na matapos. Kahit kulang-kulang pa ang gamit sa loob, gusto namin na dito na ma-celebrate ang Pasko sa aming new house.
   
“Maraming salamat sa aking asawa @markescueta na sobrang sipag, siya ang nag-aasikaso lahat para magawa at matapos ang aming bahay.
   
“Salamat din anak @peleinigoescueta ikaw ang inspirasyon namin ng papa mo sa araw-araw at para sa ’yo ang lahat,” post ng host ng Magandang Buhay  sa ABS-CBN.