7,086 guests

Martin at Rep. Yedda, tuloy ang advocacy

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 304

KAHIT hindi na kongresista si dating Rep. Martin Romualdez, may legacy siyang iniwan sa Kongreso dahil siya ang author ng Expanded PWD Benefits and Privileges Act o Republic Act No. 10754  which was signed into law noong nakaraang March 23, 2016 habang ang implementing rules and regulations ay nilagdaan naman noong nakaraang December 2, 2016 ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Sa press press conference cum Christmas party with the entertainment media na ginanap sa Annabel’s in Quezon City recently na dinaluhan ng mag-asawang Martin Romualdez at Rep. Yedda Romualdez, buong pagmamalaki nilang ibinahagi  ang mga benepisyong pinakikinabangan ngayon ng mga PWD or persons with disability tulad ng VAT exemption, 20% discount on specific goods and services na umaabot ng 32% kung isasama ang VAT exemption.
   
Nakakapanghinayang nga lamang at hindi nakalusot sa Senado si Rep. Martin kung saan ay marami pa sana siyang puwedeng gawin.  Ganunpaman, natutuwa siya dahil ang kanyang magandang misis na si Rep. Yedda Romualdez ang nagpapatuloy ng kanyang mga sinimulan noon sa kongreso.  Si Rep. Yedda bale ang pumalit sa kanya sa iniwang posisyon  matapos siyang tumakbo sa pagka-senador.
   
Kahit isa nang pribadong citizen, hindi nagpapabaya si dating Cong. Martin sa pagtulong laluna sa mga PWD.
   
Si Congresswoman Yedda Marie ang pinakabagong upong kongresista sa unang distrito ng Leyte na ang mga nasasakupang lugar include Palo, Tanauan, Balatagan, San Miguel, Santa Fe, Alang-Alang, Tolosa at Tacloban City na ang mayor naman ay si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na nagkataong sister-in-law ng kapatid ni Rep. Yedda dahil napangasawa nito ang younger brother ni Mayor Kring-Kring na si Michael Gonzales.
   
Natutuwa si Congresswoman Yedda dahil sa strong support na nakukuha niya hindi lamang sa kanyang mister na si dating Cong. Martin Romualdez kundi maging kay Mayor Kring-Kring na mas nauna sa kanya sa pulitika.  Siyam na taon na naging konsehal si Kring-Kring ng Tacloban bukod pa siyempre ng kanyang pagiging first lady ng mister, ang dating mayor ng Tacloban na si Mayor Alfred Romualdez.
   
“We’re very very close and supportive of each other,” pahayag ni Congresswoman Yedda tungkol kay Mayor Kring-Kring.
   
Kung si Mayor Kring-Kring ay dating isang kilalang singer-actress, siCongresswoman Yedda naman ay dating beauty queen at nurse.  She was Bb. Pilipinas-International in 1996.
   
Ang mag-asawang Martin at Yedda Marie ay may apat na anak – two boys and two girls na ang panganay ay si Daniel Romualdez II (17), pangalawa siFerdinand Martin, Jr. (15), Mariabella Gabrielle (9) at ang bunso na isa ring girl na si Maddey (1).
   
Sa ngayon focused muna si Cong. Martin sa kanilang mga negosyo although patuloy niyang tinutulungan at ginagabayan ang kanyang misis na si Congresswoman Yedda na bagito sa Congress.

VHONG, TULOY NA SA PAGBUBUKAS NG TAON

TULUY na tuloy na ang showing on January 4, 2017 ng pelikulang “Mang Kepweng Returns” napinagbibidahan ni Vhong Navarro under Cineko Productions na pinamahalaan ni GB Sampedro and released thru Viva Films.
   
Magiging pambungad ng taong 2017 ang pelikula ni Vhong na hindi rin nakalusot sa Metro Manila Film Festival.
   
Si Vhong ay huling napanood sa pelikulang “Die Now, Pay Later” na naging kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival.
   
Hindi man nakalusot sa panlasa ng screening committee ng MMFF ang pelikulang “Mang Kepweng Returns,” umaasa naman si Vhong na ito’y makakalusot sa panlasa ng movie going public.
   
Ang “Mang Kepweng Returns” ay spin-off ng “Mang Kepweng” movie  na pinagbidahan at pinasikat ng yumaong comedian na si Chiquito, isa sa mga hinahangaang komedyante ni  Vhong.

OGIE, BALIK SA DATING TAHANAN

UNKNOWN to many, ang sikat na singer-composer-comedian na si Ogie ay nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN noong  bago pa lamang siya sa showbiz.  Nagkaroon ng dalawang TV show noon si Ogie sa Kapamilya Network na ang isa ay ang “Small Brothers” na pinagsamahan nila ni Janno Gibbs.  Pero ang pinakamatagal niyang stint ay sa GMA o Kapuso Network kung saan siya namalagi ng halos dalawang dekada.  Naging bahagi rin siya ng dating ABC-5 na kung saan sila nagsimula ni Michael V. sa gag show na “Tropang Trumpo”.  Taong 1996 nang sila’y lumipat sa bakuran ng GMA at doon nagsimula ang “Bubble Gang,” ang longest gag program on local TV.  Pero kahit maganda ang takbo ng career ni Ogie sa GMA ay nakuha pa rin nitong lumipat sa TV5 ni G. Manny Pangilinan at nanatili siya rito ng tatlong taon.  Nang mag-iba na ang direksiyon ng TV5, nag-desisyon sina Ogie and his manager na si Leo Dominguez na tanggapin ang alok ng ABS-CBN, his original home studio.
   
Si Ogie ay napapanood ngayon bilang hurado ng“Tawag ng Tanghalan” portion ng “It’s Showtime” at magiging isa rin siya sa tatlong hurado ng “Your Face Sounds Familiar – Kids Edition” na malapit nang magsimula.
    
Makakasama ni Ogie ang megastar na si Sharon Cuneta at Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.
   
Ogie is one talent na napakabait, grounded at napaka-professional kaya naman hanggang ngayon ay hindi siya nawawala.  Marami na ang mga kapanabayan ni Ogie na kanya nang napag-iwanang milya-milya. At ito’y dahil rin sa kanyang positive attitude, magandang PR bukod pa sa kanyang talent na hindi matatawaran at kasama na rito ang pagiging mahusay na composer.
   
Still on Ogie, gaano kaya katotoo ang balita na balak siyang isama sa Sunday gag show na “Banana Sundae” nina Angelica Panganiban, John Prats at iba pa?

UGE, IPINAG-MALAKI ANG ITALIAN BF

KAHIT kelan ay masikreto ang actress-comedienne-TV host na si Eugene `Uge’ Domingo pagdating sa kanyang love life kaya marami ang nagulat nang bigla itong maging bukas sa kanyang buhay-pag-ibig ngayon.
   
Sa presscon ng kanyang MMFF movie na “Ang Babae sa Septic Tank 2,” inamin ni Uge na meronsiyang Italian boyfriend na nagngangalang Danilo na kanyang makakasama ngayong Pasko sa Italy.